Strings 21: Training

Start from the beginning
                                        

Napangiti ako sa compliment niya. "Ang galing ko na ba?" I felt him laugh and scoff as he extended my hands, holding the gun toward the target practice. Ramdam ko ang pag yakap ng kamay niya sa'kin, his thick calloused ones wraping mine with warmth. He squeezed once.

"Babaril na tayo, is that okay with you?" Tumango ako at mas lalo niyang inayos ang kamay ko, pinipilit na hindi isipin ang kanya na nakahawak pa rin sa'kin. "Now, look at the target...get a feel for it."

Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang kanang mata, tinitigan ng maigi ang target ko."Okay."

"Okay good." Inalis niya ang kanyang mga kamay na nakaalalay at kinabahan agad ako nang maramdaman ang buong bigat ng baril. 

Habang nagsasalita, iniangat niya ang kanyang mga palad mula sa braso ko patungo sa aking mga balikat. 

"Malakas recoil nito, so you have to brace with your arms and shoulders. Hips too." Inilapit niya ang mga kamay sa bewang ko at bahagyang pinisil iyon.

I felt the shiver on my spine, and I wanted to reprimand myself. I hope he didn't notice how my body trembled with that simple move.

"Don't hunch." Ay, napansin pala. "Make sure your footing is solid."

"Yes Sir," I say before adjusting my stance.

Lumapit ang mukha niya sa kaliwa at nakikita ko ang mukha niya sa gilid ng aking mga mata. "Kaya mo ba? Kaya mo ba ang ingay at recoil?"

I let out a large exhale. "Kaya."

He hummed in approval, and then he said, "Release the safety." I felt his lips brush my ear, but other than swallowing, I didn't move. I remained firm as I thumbed the safety off.

"The hammer..." My thumb moves and pushes it down.

"Put your finger on the trigger." I slid my finger on the trigger, and my heart froze from the anticipation.

"Shoot." He said, and I did.

I flinched, ang lakas nga. Malakas pa rin ang pagkabigla ko kahit ineexpect ko na ang ingay ng pagbaril, hindi ko alam kung saan ko maihahalintulad ang nangyari because the recoil and the sound makes it intimidating.

Naka-awang ang bibig kong nakatingin lang sa target sa harap ko.

Ramdam ko ang adrenaline, ang lakas ng tibok ng puso ko, ang pagpintig ng mga kamay ko, at ang matinis na tunog sa tenga ko. However, I'll give myself credit since I held my stance. 

"Hindi ko natamaan."

Narinig ko ang tawa niya sa likod ko. "Of course you missed, this is your first time. What did you expect? Try again."

Napangiti ako, akala ko isang try lang magagawa ko. Napailing ako at napahawak sa tenga ko, taena nagulat ako eh.

Letting out a huge exhale, I went back into position and almost froze when he got too close to my face. I can smell his scent at putangina ang bango.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Nilagay niya ang dalawang kamay sa tenga ko, trying to lessen the sound of the gun when it shoots. 

Wala siyang sinabi sa ginawa niya at patuloy na tinuruan ako.

"Don't duck behind it like that. It's not a shield. Focus on the front sight, not the back sight. Align the top of the notch with the middle of your target." I did as he instructed and heard him hum in approval. "Now, inhale. Exhale. Hold it...and shoot."

I flinched... and missed.

"Again." Rinig ko siya pero nauna na ako mag ayos ng posisyon at nakatingin na'ko sa target, mga kamay niya ay nakadikit parin sa tenga ko.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now