Napainom muna ako ng wine bago ko naitanong ang kanina pang kumukulit sa utak ko, "Bakit mo ko inaya mag dinner?"
"I wanted us to catch up on our lives." Pero ako lang ang nagsasalita. He avoided some questions about himself, usually about his work, carefully switching it so I could talk about myself.
We also danced around the topic, the reason for us disconnecting—their tragedy.
Akala niya hindi ko napapansin pero hinahayaan ko lang dahil hindi ako sigurado kung komportable siya sabihin sa ganitong ka public na lugar.
"Pwede naman sa bahay lang."
"Where's the fun in that?" Tumaas ang kilay niya at hinawi ang tingin sa buong katawan ko. "I see you all dolled up, at wala ang pamilya ko na naguutos sayo ng bagay bagay."
Uminit ang katawan ko sa tingin niya at napainom ng wine. "Andito naman talaga ako para sa trabaho. Trabaho para sa birthday niyo."
"Speaking of my birthday. Let's come together for the celebration."
Napailing ako at kumunot ang ulo sa kanya, "Hindi pwede 'yon dahil mauuna ako, kasama ako sa mag s-set up."
"Well, how about you wouldn't do your job for the day?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Napairap naman ako. "Edi hindi ako babayaran. Just so you know Sir James, kailangan ko po magtrabaho para bigyan ng sweldo."
Napasandal siya sa upuan, "Okay, let me be fucking clear because I can't believe you're dense. I'm asking you to be my date."
Oh.
Napatulala ako ng sandali at inilaklak ang buong wine sa wineglass. "...In my defense, magulo ka talaga kausap."
Tumayo siya at maingay na sumunod ang kanyang upuan. Kinakabahang umangat ang tingin ko sa kanya nang pumwesto siya sa tabi ko. "Scarlet Hope, will you be my date on my birthday?"
He remains unmoving, much like a concrete pillar. Nilagyan ko ng wine ang baso ko. "Gago hindi mo kailangan tumayo, bumalik ka sa upuan mo."
"I won't take no for an answer." Tinaasan niya ako ng kilay.
Tiningnan ko siya sa gilid ng mga mata ko habang lumalagok ako ng alak. "Babayaran mo ba ako? My time is valuable."
He smirked and leaned on my body, holding the back of my chair with a hand. "What else would you do if I did?
Napaatras na ako ng tuluyan dahil nakikiliti ako sa kanyang hininga. "Gago anong iniisip mo? 'Wag na nga, parang binebenta ko na rights ko pag ganon."
Tumawa siya ng bahagya. Ang mamahalin niyang pabango ay tinutukso ang ilong ko kaya medyo na-disappoint ako nang bumalik siya sa kanyang upuan. "Ikaw ang nag iisip ng kung ano ano, my little Hope. Do you need money that bad? I can lend you if you want."
"Ano ako charity case?" Naubos ko uli ang baso ko ng wine. Pinaglaruan ko ang lalagyanan at hindi maangat ang tingin sa kanya.
Tumagilid ang ulo niya. "Are you always this nervous on dates?"
"I'm not nervous."
Minata niya ang walang laman kong baso, hindi ko na nabilang kung nakailang baso ako. "You drank ten thousand worth of wine in fifteen minutes."
Bumulong–sigaw ako, nanlalaki ang mata. "Bakit ganon ka mahal ang lumang ubas?"
Minata ko na rin ang wine, ang mahal mo!
Tumawa siya at sumakto ang mga waiter sa pag-serve ng steak at pasta sa lamesa namin. Nilayo ko na ang wine glass mula sa akin.
Sumilip ako kay James nang nagsimula na siyang maghati ng karne. The veins on his hands, evident as I see him neatly slicing the meat with his fork and knife.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 23: Reunion
Start from the beginning
