Nahulong ang panga ko. Tapos binato ko ang pamaypay sa ulo niya. Unfortunately, he manages to catch it like a boss, and he looks cool grabbing it, with the cigarette clutched in his opposite hand.
He looks and smells like money.
Itinapon niya sa lapag at inapakan ang sigarilyo bago lumapit sa akin, inabot uli ang pamaypay. "Let's go beautiful."
Namula ako at napatingin sa paligid. Wala namang tao dahil dumidilim na, pero kinabahan parin ako. Sinabihan ko siyang magkikita kami sa labas ng gate para walang trabahador ng mga Gonzales ang makakakita sa amin.
He flattens a palm at the small of my back and places his other hand on top of the car to stop my head from bumping against it as he guides me inside.
Nang pumasok siya sa kotse, nagsalita agad ako. "'Wag kang ganon sa harap ng ibang tao TJ ah. Nakakahiya."
"Is that why you're avoiding me in the house?"
Iba ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan pero tumango nalang ako.
He starts the car and I shiver from it's vibration, "Ano nalang ang iisipin ng mga tao pag narinig nila ang mga eche eche mo sa akin?"
Tumawa siya, "Eche eche?"
"Yung mga malandi mong salita! Baka isipin nilang fuckboy ka."
Ngumisi siya at iniliko ang kotse, nakatingin sa side mirror. It took everything in me not to check him out. "You sound like Jamie."
'Yung mukha ko na ang nagsalita para sa akin.
He explains, "She's always thinking about what the people think of us. I have Gabriel to thank for now that she toned it down."
"Gets naman, may reputasyon kayo." At madudumihan niya 'yon pag kasama ako.
Antagal ko nang hindi lumalabas kasama ang isang lalake kaya medyo kinakabahan ako. I know this is a friendly date pero matagal parin akong hindi lumalabas.
Pasalamat nalang, I don't look out of place in the olive green dress I borrowed from Jamie.
The restaurant is a simple place, and it doesn't look too boujee. Ang resto ay nasa tuktok ng bundok at tanaw ang mga gusali sa ibaba. Pinalamutian ito ng mga de-kalidad na muwebles at mapang-akit na ilaw, it's chic at the same time homey.
Hinayaan ko si TJ umorder para sa akin dahil wala akong alam sa kung anong masarap dito. Nginitian ko ang waiter nang isinalin niya ang wine sa baso at iniwan sa gitna namin.
"How are you?" Tanong niya at napainom agad ako ng wine.
The bitter-sweet liquid burst into my mouth, and I nodded from its taste.
Pinaglaruan ko ang wine glass at tinanong siya, "Akala ko ba nag background test kayo sa amin?"
Tumaas kilay niya, indirectly asking kung pano ko nalaman.
"Sinabi ni Jamie sa amin, I assume alam mo na buong buhay ko?"
Ngumisi siya at tumango. "Fair enough, but I want to know more about who you are. What you like, what don't you like, why do you laugh, why do you cry?"
"Muntikan na akong umiyak noong dumaan ang kotse sa gilid ko at nabasa ang buo kong katawan ng tubig ulan." Ngiti ko sa kanya.
Ngumiti rin siya. "Muntikan din akong umiyak noong nakita kong may gasgas ang baby ko."
Napairap ako at tumawa siya.
Nag-usap kami tungkol sa kahit anong topic ang maisip namin. Mula sa kung paano ako nakipag-reconnect sa mga kaibigan ko, sa aming pag-aaral, sa aming mga pamilya, at sa kung ano ang balak namin sa buhay ngayon.
BINABASA MO ANG
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 23: Reunion
Magsimula sa umpisa
