Strings 23: Reunion

Start from the beginning
                                        

"Is that true?" Hinila ko ang tali at mas hinigpitan, "Ow."

"At hindi 'lang' ang trabaho ko, Jane." Hindi ko na pinapakinggan ang sinabi niya, at ngumiti. "Don't say that to people, that's mean."

"Or what?" Tinaasan niya ako ng kilay sa salamin. She's really a spoiled rich kid, noh?

Nag kibit-balikat ako, "Ipagkakalat ko sa crush mo na nanonood ka ng porn sa cinema niyo."

She gasped and turned around to face me. "You wouldn't!"

Bestfriend ng Kuya Sky niya ang kanyang crush at minsan ay natutulog sa mansyon ng mga Del Valle.  Hindi naman mali ang ginawa niya, but she's known to be the pure innocent baby sister. 

And I'm only bluffing, but her reaction made me realize that Jane is a naive, spoiled, rich princess.

Tumawa ako at hindi pinansin ang tingin ni Talia sa kabilang gilid. Hindi mawawala sa isip ko na siya ang driver at may kasalanan kung bakit ako naligo sa putik noon.

Umupo na ako sa kabilang gilid at inayos ang mga kailangan mamaya. Hindi na sila pinansin.

Pinaguusapan na kami ni TJ?

I let out a slow exhale, calming my nerves. Blocking my thoughts because I know Jane has a point.

Dumating na si Madame Kristine, kasama niya si Thea at ilang staff. Pinigilan ko sumigaw sa saya nang makita siya, at the same time gusto kong pingutin ang singit niya sa pinagkalat niyang chismis kay TJ at Evan.

Hindi kami nag hiwalay dahil andami naming chika sa isa't-isa habang nagtatrabaho.

Nang sinuot na ni Jamie ang kanyang dress, muntik na akong umiyak. The gold fabric enveloped her form with such perfection. It gave off an air of ethereal beauty as the softness danced over her flesh. The crystals glitter every time she moves, and I wanted to cry, looking forward to how she'll carry herself in this dress on their birthday.

Lumipat ang tingin ko kay TJ, sinusukat niya ang kanyang suit sa kabilang banda. He's in a three-piece black suit. The inner vest that hugged his chest is embroidered with intricate patterns, and their family crest has been carved on the silver buttons.

He looks so dangerous. So beautiful.

Lumingon siya nang maramdaman ang tingin ko kaya mabilis kong tinutok ang tingin kay Jamie.

Nang matapos ang fitting, tumulong na ako sa pag aayos. Pero hindi matatapos ang araw nang hindi mas mapapabilis ni TJ ang tibok ng puso ko.

"Tomorrow, 7 p.m.. Don't forget." He mutters near my ear before he moves towards the door.

Akala ko nawala na sa isip niya, pero hindi pala. The thing is, gusto ko lumabas kasama siya. Gusto ko makilala kung sino si TJ ngayon. Pero... nakakataas kilay naman talaga sa mga tao dito kung lalabas kami dalawa, dahil alam ng lahat boss ko siya.

Ano magiging tingin nila kay TJ? Sa akin?

However, that thought didn't stop me from borrowing a dress from Jamie the next day. She also didn't ask anything... but only looked at me curiously.



"You look captivating." Pagkalabas ko ng gate ay narinig ko agad si TJ.

Sinundan ko ang boses niya at pinigilan ang sarili na suminghap sa kagwapuhan niya. Standing beside his car with a cigarette on his fingers, he ditched his usual sleeveless shirt and jeans with a pantsuit and a black polo shirt.

Mas nilakasan ko ang pag paypay sa sarili at umubo para mawala ang bara sa lalamunan, "You clean up nice."

Ngumiti siya. "Do I look good enough to fuck?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now