Strings 23: Reunion

Start from the beginning
                                        

Napakamot ako ng ulo habang naglalakad palayo sa pintuan. "May manliligaw ka pa pala sa edad mong 'yan te?"

[Pula!] Nilakihan niya ako ng mata sa camera, tinawanan ko siya.

Umiwas ako sa mga taong dumadaan hanggang sa nakarating ako sa hardin. Ayaw ko naman i-announce sa mundo 'tong pangyayari sa ate ko.

Isinumbong niya sakin ang manliligaw niyang hapon at tatlong linggo na daw ito bumibisita sa bahay pero biglang nawala. Nakikinig lang ako sa kanya habang iniikot ang tingin sa buong mansyon. Napako ang mata ko sa lugar kung saan ako nanggaling—the full length glass window overlooks the parlor, and standing in the middle of the glass is James looking at me.

Ngumisi siya at itinagilid ang ulo, sinusuri kung bakit ganito ako umakto sa kanya.

Para akong kinuryente sa katawan nang maramdaman ang kanyang titig. Para niya akong sinusunog galing sa loob.

[May ginagawa ka ba?] Napansin ni Ate B na nawala ang atensyon ko at napailing agad.

Tumalikod ako para maiwasan ang tingin ni TJ. Hindi pwede tong ginagawa namin sa isa't-isa. "May fitting lang para sa birthday ball."

[Wow, fitting. Magsusuot ka rin ba ng ball gown, Pula?]

"Ate B nagtatrabaho ako non, naka uniform ako." Pero kahit nakatalikod, nararamdaman ko ang init ng kanyang mga mata. "Pero ngayon, susukatin na ni Jamie yung gown."

The dress I made for her was transported to Mr. and Mrs Couture so that Madame Kristine's staff could finish the crystal embellishments. Naeexcite na ako sa pagdating nila.

[I don't understand the passion you have, but I'm happy you're happy. Hanapan mo ako ng foreigner ha.] Natawa ako sa sinabi niya. Kinamusta niya ako sa lahat ng nangyari dito at sinabi ko lahat—except yung tungkol kay TJ.

I'll tell them next time, pero sa ngayon sa akin muna ang impormasyong 'yon.

[Kamusta si Lorraine?] Dagdag niya.

"Ayon..." Napabuntong hininga ako. Sa sobrang busy dito hindi ko na rin sila nakakausap, sa group chat ko lang nakikita ang mga update. "Nasa ospital pa rin siya."

Pagkabalik ko sa parlor, nagulat ako nang wala na ang ibang Del Valle at si Jane lang ang naiwan, kasama ang isang babaeng hindi ko akalaing makikita ko rito, si Talia.

Sila lang dalawa sa parlor at suot na ni Jane ang kanyang dress habang nakatingin sa isang salamin. Nawala sa isip ko na pinsan ni Talia ang mga Del Valle.

"I heard from the staff, is she dating James?" Tanong ni Talia habang nakaharap sa vanity mirror. Umirap ang bunso ng mga Del Valle at gumawa ng nandidiring tunog.

"Why is your tone like that, CJ." Tawa niya.

Umirap si Jane habang itinatali ang corset niya. "She's our maid, it's so weird."

Napatigil ako nang mapagtantong ako ang tinutukoy nila. Bahagya kong nilakasan ang pag sarado ng pintuan para malaman nilang naririnig ko ang sinasabi nila.

Tumingin si Talia gamit ang salamin at lumingon si Jane sa akin. Walang bakas ng kahihiyan sa kung anong sinabi nila sa likod ko. "Did you hear that? That's what we think about you. Maid ka lang naman namin."

Hindi ko siya pinansin at pumwesto sa likod niya, kinuha ang mga tali sa kanyang mga kamay. "Nasaan mga ate at kuya mo?"

"I don't know, they left." Gumilid siya para makita ang ginagawa ko sa salamin.

"You know... This maid can clean multiple bathrooms a day than scrub clean your personality." Inayos ko ang sinimulan niyang pagkakabuklod. "Kami ng kuya mo magkaibigan na dati. We were friends way way back when you were a baby."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now