Strings 23: Reunion

Start from the beginning
                                        

Ang init ng tingin niya sa akin ay nawala nang makita niya kung sino ang nasa likod ko.

Sa halip na marinig ang yabag ng kanyang mga paa, naramdaman ko ang kanyang presensya.

"Pasensya James, nakita ko kasi yung pintuan nakabukas. Akala ko kung sino sino lang pumapasok."

Tinitingnan namin si manong habang naglalakad siya palabas. Ang kaso, lumilingon lingon siya sa akin, nagtataka kung sino ako at bakit ko kasama si James dito sa bahay. 

Bakit pakiramdam kong kakalat na agad 'tong balitang 'to?

Napa angat ang tingin ko kay TJ na nakatitig sa akin, nakangisi. "Why did you run? I was going to show you something valuable to me."

Valuable?

"Anong..." Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, kung paano niyakap ng t-shirt ang kanyang katawan, at nangilabot. Mabilis akong naglakad palayo at umupo sa sofa, pero tumabi siya at may inabot na tela.

A drawstring pouch. It's not dirty, but time has managed to damage the material.

"Aahh, ito kasi yung valuable." Napatango ako sa sinabi ko. Akala ko kung ano yung valuable eh. "Ano 'to?"

"Check it." Sinundan ng boses niya ang pagbubukas ko ng maliit na bag.

"Wow." Inilabas ko ang isang bracelet na may kulay puti, rosas, at asul na bituin. "You saved this?"

Tiningnan ko siya at ang mga ngiti na ipinapakita niya ang papatay sa akin ng maaga. He looks so handsome.

"Bat may dahon?" Takang tanong ko nang makita ang patay na dahon sa paghuhukay ko.

"That's our wedding ring."

Lumaki ang mata ko at tiningnan siya. Nakalimutan kong nagpakasal kaming dalawa.

Nung bata kami, nangako kami sa isa't-isa na magsasama kami habang buhay—kaya gumawa kami ng singsing gamit ang santan at nagpakasal sa ilalim ng puno namin.

I laughed and heard him click his tongue. "Don't tell me you lost our wedding ring?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Sorry kung hindi ako nagtatago ng patay na dahon, noh?"

Pero napangiti ako. Matapos ang labing limang taon, nasa kanya parin ang mga 'to.

Hindi ko na masyadong pinakialaman kasi isang hawak ko lang ay nagiging pulbos na sa pagkaluma.

Nang pauwi, tinulungan uli ako ni TJ sumakay kay Nana. Akala ko maglalakad uli siya sa gilid ko pero naramdaman ko ang pag apak niya sa patungan at ang init ng katawan niya sa likod ko.

"Kaya ba tayo ni Nana?" Kinakabahan kong tanong, kasi baka mabigat na kami para sa kanya.

Yumakap ang mga kamay niya sakin para hawakan ang tali. "She can hold more than this. It's fine."

I feel his thighs around me as we go up. I slide towards him as gravity pulls me down, and I swear to all saints, I try to keep my thoughts pure as I feel myself bounce on him as Nana trots her way.

"On Friday, I'm going to take you out on a date."

Mabilis na lumingon ang ulo ko sa kanya. "Ha?"

I feel his left arm hold my waist as I bounce hard, "Friday, 7 p.m.."

Tumango na ako at binalik ang tingin sa harap, trying to use my poker face. I did my best to go back to my seat when the land flattened pero humigpit ang hawak sa akin ni TJ dahil masyado akong gumalaw at mas nadiin ang sarili ko sa kanya.

Please, please, please. Stop this embarrassment.

Pagkabalik sa mansyon ay hindi ako makatingin sa kanya. Ganon lang, naging awkward nanaman ako. Binalik niya si Nana na kabayo sa kwadra. Tiningnan ko lang siya na lumalayo.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now