"Why? You're working for your family. You're working so you can go to school. You're choosing to wake up and stand up every day to live. I think that's enough for me to be proud."
My breathing hitched as I observed his back as he cleans a picture frame. Hindi ko alam kung narealize niya ba epekto ng sinabi niya sakin.
"I missed you." Napahinto siya sa ginagawa. "Pwede ka ba yakapin?"
He slowly turned around and smirked. "Fuck, Hope. I was waiting for you to move." Binaba niya ang picture frame at sa tatlong hakbang ay nakatayo na siya sa harap ko.
Inangat niya ang kamay niya at pinulupot ko ang akin sa kanyang bewang. Ramdam ko ang pagpisil niya sa buong katawan ko at ang paghihigpit ng yakap namin sa isa't-isa. I rested my head on his chest. Smelling his male scent with a hint of sweat and the smell of grass. Earthy and sweet.
It wasn't awkward.
Ang tagal na naming hindi nagkita, hindi nag usap bilang TJ at Hope. Pero habang nasa kamay kami ng isa't-isa. Pakiramdam ko hindi naputol koneksyon namin ng labing limang taon.
It's like we have this unspoken language and we understand each other.
Ramdam ko ang pag diin ng ilong niya sa leeg ko. Naramdaman ko agad ang kiliti sa aking katawan. "I missed you."
Natawa ako at pinigilan ang mga emosyon kong tumataas. Gumalaw ako para kumalas sa yakap pero hindi siya bumibitaw. "Gago ang drama natin."
"Stop joking, I'm taking this seriously." He mutters on my neck and I feel his mouth move.
"Sige." Sabi ko at niyakap uli siya. Pero habang gumagalaw ang oras, narealize ko na parang isang melodrama na 'tong ginagawa namin. "Ang OA na masyado, Sir."
"Woman, for once, don't ruin the mood." He chuckles.
"Eh tangina ang init na—" Sabay kaming lumingon sa isa't-isa kaya dumaplis ang mga labi namin.
Mabilis akong umatras at tulala na napatingin sa kanya. Tumaas ang kilay niya at bahagyang nilayo ang kanyang upper body para tingnan ako.
"...Sorry." Bulong ko.
"You're seriously apologizing? You caught me off guard, do it again." Tumayo siya ng tuwid at pinikit ang mata, "I'll close my eyes so you won't be shy. Okay, go."
Hinampas ko ang mukha niya. "Mukha kang tanga, gago."
Hindi niya pa rin binubuksan ang mata niya at nakanguso na. "You wanted to kiss me."
"Bakit pa mag kiss, diretso kama na lang kaya?" Pang asar ko at bumukas mata niya.
"Let's go." Hinila niya ako sa pulsuhan.
"H-Ha?" Lumaki ang mata ko habang hinihila niya ako papunta sa second floor. "TJ... j-joke lang, hindi ka naman mabiro."
Lumangitngit ang pintuan ng binuksan niya ito, at nakatulala parin ako. "This is my bedroom, that's the bed you're looking for."
Hindi nagbago ang kwarto niya. Naglalaro kami dito nung bata pa kaming dalawa, pero anong lalaruin namin na ngayong matanda na kami?
Ngumisi siya sa akin at nang bitawan niya ang kamay ko, tumakbo ako. Tumakbo ako pero nang nasa hagdan ako pababa, napaisip ako, bakit? Bakit ako tumakbo?!
Narinig ko ang malakas niyang tawa habang hinahampas ko sarili kong mukha. Nakakahiya!
"Sino ka? Paano ka nakapasok?"
Nagulat ako nang may nagsalita at napatigil ako sa baba ng hagdan.
"Ah..." Tiningnan ko si manong na nasa hamba ng pintuan, madumi ang kanyang pantalon at nakasimpleng t-shirt lamang. Ang kunot ng kanyang mukha ay nakatago sa kanyang sumbrero.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 23: Reunion
Start from the beginning
