Wine glass and flutes shattered. A scream of surprise and breaking glasses echoed across the ballroom.
Naramdaman ko ang init na umakyat sa mukha ko nang makita ang nagawang kalat. "Hanggang dito, you're still making a mess. Oh my God!"
Tinulungan ko ang katrabaho kong pulutin ang mga nabasag, "Sorry, sorry." Paulit ulit kong sinabi at umiling lang siya.
"Okay lang naman pero... baka sa sweldo ko ikaltas 'to." Kumirot ang puso ko nang makitang lumalaban ang iba't-ibang emosyon niya sa mukha.
Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang braso at kinuha ko ang tray na pinaglagyan namin ng bubog sa kanyang kamay.
"Hindi. Sa akin na, ako naman may kasalanan." Sinabi ko agad para hindi na siya kabahan. "Kausapin ko sila mamaya."
Namumula ako nang mas dumami ang tumingin sa amin. Tumayo siya para asikasuhin ang nabasang sahig at dahan dahan akong tumayo dala ang tray. Hindi ko maiwasang pasadahan ang tingin na binibigay ng ibang tao, nakakunot ang noo, walang pakealam, naaawa, naiinis.
"Thank you so much, now we have the friends of the celebrant next!" Naglalakad na ako nang marinig ang host, pero tuloy tuloy lang ang paa ko palayo sa stage.
"Hope?" Narinig ko si TJ na nagsalita sa mic. "Scarlet?"
"Scar, tawag ka." Biglang lumapit si Thea at tinapik ako pero umiling lang ako sa kanya.
Dumating naman sa kabilang gilid ko si Tinang at pinilit na kunin ang nasa kamay ko habang naglalakad ako palayo, hindi ko siya hinayaan. "Ako na diyan."
"Tinang ako na."
Sinamaan niya ako ng tingin. Dahil sa gulat, naluwagan ko ang hawak ko. Hindi gumaganon ang mukha ni Tinang... ever. Nang makuha niya ito sa akin, mabilis siyang lumabas, at ang tanging nagawa ko ay tingnan ang likod niya na nawawala sa pintuan.
Naririnig ko parin si TJ na tinatawag ang pangalan ko, at tumago ako sa likod ng ibang bisita.
Tama naman ang lola niya, I need to get away.
They're being adored by people. They don't need to be associated with me.
I let out a huge exhale to stop my pity party. There's really no bigger hater than myself. Putangina.
"Scarlet Hope, baby, come here before I grab you."
Napanganga ako.
Did he really just say that in front of all these people?
Sa gulat, napalabas ako sa tinataguan ko. Sa sandaling lumabas ako sa dilim, agad niya akong nakita. Nakataas ang kilay niya habang nakangisi at tinawag ako gamit ng kanyang daliri, nakatapat parin ang microphone banda sa kanyang bunganga.
Lumingon ang mga tao lagpas sa likod ko, nagtataka kung sinong tinatawag niya. Hindi man lang dumaplis sa isip nila na ako ang tinutukoy ni TJ.
Hindi ako pwedeng lumapit. Hindi pwede. Hindi pwede.
Narinig ko ang tunog ng takong bago ko napagtantong naglalakad nako papunta sa kanya.
"Hope tara na!" Tawag ni Jamie nang makita ako. She looks so radiant with the way the light shines on her.
Mahina siyang siniko ni James, his perfect smirk in place. "Hey, I'm the only one who can call her that."
Jamie glanced at him, then looked at me incredulously, naghahanap ng kakampi. "Can you believe him? He's so seloso."
His hand reached for me. Naramdaman ko muna ang hiya bago ang hawak niya sa likod ko. Ang init ng mga kamay niya ay kumakalat sa buong katawan ko, at alam kong basa na ang likod ko dahil sa pawis, pero wala siyang pakealam.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 24: Let's Celebrate
Start from the beginning
