In other words, imagine the ballroom from the Titanic updated for the twenty-first century.
Anywhere you walk, it smells like the garden was transported here as fresh flowers occupy the corners of every space.
Buong celebration paikot ikot kami ni Tinang para mag serve at sumisilip silip lang ako sa birthday boy kasama si Jamie na umiikot para kamustahin ang mga bisita.
Maayos ang daloy ng buong programa habang ang ballroom ay niyayakap ng mga puting ilaw. Nag speech ang kambal, nag perform din ang banda ni Jaceon.
Habang kumakain ang lahat, nakatayo lang ako sa gilid ng station ko nang maramdamang may tumabi sakin. "Hi, Miss Scarlet."
Lumingon ako sa kanya at ngumiti, "Hi baby ni James."
Tumawa si Evan at napailing. "You're not letting that go?"
Umiling ako. Bangungot nila ako habang buhay.
Ngumisi siya at tinuro ang linya ng mga tao na naghihintay para sa group photo kasama ang kambal. "He said you have to at least be in the photo later, so be ready."
Umalis agad siya nang sinabi niya 'yon at taka akong lumingon sa harapan.
For some reason mabilis siyang nahanap ng mata ko. Nakatingin na si TJ sakin at inaabangan ang magiging reaksyon ko. Tumaas pa ang kilay niya na parang sinasabing, hindi ko pwedeng kalabanin ang pinasabi niya sa kanyang kapatid.
Tumango ako. I can do that, at least. It's just a picture.
Mas tumaas pa ang kilay niya at itinagilid ang ulo para sabihing, 'then why aren't you moving?'
Napairap ako, napaka impatient naman. Eh nag ppicture pa sila ng pamilya niya sa Gonzales side. Goodluck nalang sa final shot dahil ang birthday boy ay nakatingin sa gilid at naka taas ang kilay.
Inayos ko muna ang uniform ko bago kumilos. Lahat kaming mga babaeng staff ay naka puting polo, pencil skirt, at kitten heels.
Habang nasa pila, nakatayo lang ako ng tuwid, hinihintay kung kailan 'to matatapos nang makasalubong ko ang taong gusto ako ibaon sa ilalim ng lupa. Nagawa kong magtago sa kanya nang bumisita siya sa mansyon, pero hindi yata palaging nasa tabi ko ang suwerte.
"Why are you here?" Bungad ni Madame Merina nang makita niya ako, naghihintay kasama ang ibang kaibigan ng kambal habang pabalik naman siya galing sa gitna.
"Ah."
Walang nakakakilala sa akin dito. Ang lahat ay nasa grupo at ako lang mag-isa. Sa huli, ramdam ko ang mga nanlilisik nilang mga mata na nakatingin sa akin pataas at pababa.
"Simple instructions and you don't follow. The host said nakapwesto here ang friends ng mga apo ko, not the likes of you." Ang malumanay ng pag sabi niya pero para akong pinagsasaksak sa pakiramdam.
Tiningnan ko muna ang mga kaibigan ng kambal na nakapaligid sakin, ang iba sa kanila ay pamilyar dahil nakita ko na kagabi sa salubong. Humarap ako kay Cruella de Vil.
Kinuyom ko ang mga daliri ko at inayos ang aking damit nang bigla akong nakaramdam ng pagkaliit sa presensya niya. "Kaibigan po ako." Paliwanag ko.
"What?" She says, not hearing me.
Inulit ko, pero hindi ko narinig ang sarili kong boses. "Kaibigan ako."
Tumaas ang manipis niyang kilay na nag eexist lang dahil sa eyebrow pencil, "I don't believe you."
Anong sasabihin ko don?
"Scurry away before I call someone to get you out of here."
Nanginginig ang mga mata kong tumitig sa kanya. I felt anger, pain, and embarrassment at the moment. I step back two paces at nagulat nalang nang may mabanggaang server.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 24: Let's Celebrate
Start from the beginning
