"Still!" She beamed, not at all discomforted from the tears streaming down her face. "I was so intimidated by you noon, andami mong sinasabi palagi. Mommy loved your brazenness."
Dalawa na silang magkapatid ang nag r-remind sa akin na makapal ang mukha ko nung bata.
She laughed and hugged me again, hindi ako sanay na nakakakuha ng ganitong love language pero niyakap ko rin siya pabalik. It's nice to know na naalala niya pa pala ako.
"Mom would be happy to know you're back in his life."
Mabilisan kong pinunasan ang luha kong tumulo habang mas hinihigpitian ko ang kamay na nakapalibot sa kanya.
"Na-miss ko kayo, pati... pati si tita-mommy." Humigpit ang yakap niya sa sinabi ko.
"Me too."
Huminga ako ng malalim sa tapat ng kwarto ni James. Sa buong linggong nandito kami sa San Raigo, hindi ako nakakalapit o nakapasok sa mga kwarto nila dahil ang mga kasambahay ni Madame Divina ang naglilinis.
Dito ako dinirekta ni Jamie nang hinanap ko sa kanya ang kambal niya.
Kumatok ako at malalim na huminga.
"Pasok." Narinig ko ang boses ni TJ at sumilip ako sa pinto. Bumungad siya sa aking nakaupo sa kama hawak ang cellphone—na tinapon niya sa tabi nang makita ako. Napako ang mata ko sa aking boss na naka bathrobe at medyo basa ang buhok, halatang kakalabas lang ng banyo.
"Hi Teej."
"Why are you standing there awkwardly? Come in." Tukoy niya sa ulo kong nakasilip.
Mukha siyang tatayo kaya mabilis kong tinaas ang kaliwa kong kamay para huminto siya. "Diyan ka lang."
Tinaasan niya lang ako ng kilay at nanatili sa pwesto.
Kapag malapit siya nag f-flatline utak ko at hindi na alam kung pano gumana uli.
Inilagay niya ang dalawang kamay sa likod habang hinihintay ang gagawin ko, at iniwasan ko agad na bumaba ang tingin sa roba niyang tumaas at sa maskuladong hita niya na sumisilip.
Pumasok ako at klinaro ang lalamunan bago magsalita, "Gusto ko sana ibigay 'to habang nasa ilalim ng puno natin, pero masyado nang hassle para sa ganon."
Hindi pa ako nakakabisita sa mga lugar namin dati, dahil kaliwa't kanan ay may ganap ang kanilang pamilya. Kung may free time man ay nagpapahinga agad ako. Naniningil na ang katawan ko sa pang aabuso ko rito nitong nakaraang buwan.
"Happy Birthday."
Ngumiti ako ng nakakaloko at inabot ang papel.
"If you don't like this, you can throw it away." Mabilis kong bawi nang makita siyang nakatulala lang sa regalo ko. Hindi ko alam kung naaalala niya pa na ginagawa namin to dati.
Tumayo siya.
"Who says I don't like it?" He snatched it right out of my hand and raised the paper in one stroke.
It's a specialized coupon paper with ten uses.
Tumawa siya at binasa ang mga nakasulat, "Give me a bear hug, a dare, comfort queen, compliment me all day, your servant for a day... set me up with the woman I like?"
Kumibit-balikat ako sa pagtaas niya ng kilay.
Mahirap pero habang sinusulat ko ang huling sinabi niya, binigyan ako ng isang pag unawa na kailangang may bakod ako para sa pagkakaibigan namin.
Hindi ko pinansin ang nagtatanong niyang mukha at tinuro ang isa sa gilid, "Gamitin mo na 'to."
"Give me a gift?" Basa niya at tumango ako, "That's unfair, what if I don't want to?"
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 24: Let's Celebrate
Start from the beginning
