Strings 24: Let's Celebrate

Start from the beginning
                                        

"Buti nalasing si Jamie." Tumawa si Tinang sa tabi ko pero hindi ko mahiwalay ang tingin sa lalakeng hinihigop ang pagkatao ko, "At least, pakiramdam niya safe na safe siya kaya okay lang mag walwal."

Nanigas ang katawan ni TJ. Alam kong narinig niya ang sinabi ni Tinang sa gitna ng mahinang hampas ng alon at tawanan ng mga bisita. Isang segundo lang nagbago ang kanyang emosyon pero napansin ko.

Bakit? Hindi ko alam.


~~~


Kumatok ako sa parlor bago ko binuksan ang pintuan. Ang magkasama lang sa loob ay si Jamie at Gabriel. 

Nasa harap ng vanity mirror ang panganay na babae ng mga Del Valle at si Gabriel ay nakaupo sa katabing stool, mukhang ayaw nila humiwalay sa isa't-isa. Naka indian sit si Jamie sa vanity chair, suot ang isang floral silk na robe at hawak ang kanyang tsaa.

Nauna na siya sa mga hair and make up artist niya dito, hindi mukhang wasted kagabi–kanina.

Nginitian niya ako mula sa salamin, "Hey Scarlet, do you need something?"

"Free ka ba? May ibibigay lang ako." Ngumiti ako at tinanguan si Gabriel para i-acknowledge siya.

"Yeah go!" Lumingon siya sa akin nang pumasok ako at binigay ang hawak na tasa sa boyfriend.

Inabot ko ang isang paper bag, "Happy birthday."

"Oh my gosh Scarlet you didn't have to!" Suminghap siya at napatayo, niyakap muna ako ni Jamie bago niya kinuha sa kamay ko ang regalo.

Nakangiti lang ako habang inoobserbahan siyang buksan 'to. It's a sage green cardigan with her initials and a little daisy embroidered on the left side of the breast.

"I noticed you had a collection of cardigans. I had to make one for you."

She gasps clutching it on her chest and staring at herself in the mirror, "This is so cute, thank you so much, Scar. You really didn't have to."

"This is also a small thank you gift... because you gave me an opportunity by choosing my design." And the chance to believe in myself again.

"Girl!" She beamed and hugged me for the nth time. Nahuli ko ang tingin ni Gabriel at tahimik lang siyang nakangiti habang tinitingnan si Jamie.

"Cici told me something earlier..."

Humiwalay ako sa yakap niya at kinabahan ng onti. Oh shit baka nagsumbong ang bunso na binubully ko siya.

"You were friends with James before?"

Ah.

"Hindi ko alam kung naalala mo, pero ako yung batang palaging kasama ni James dati sa bahay niyo?" Nginitian ko siya, "Palagi kitang hinihila, pero sumasama ka lang pag kasama ang mommy mo."

Natulala siya sakin ng ilang segundo.

"Hope? Oh my God, you're Hope! Why didn't I realize that?" Sumigaw siya at niyakap ako. "I'm sorry. I'm so sorry."

"Bakit?" Nahihirapang sambit ko kasi naipit ako sa leeg niya. Ang tangkad ni Jamie.

"I didn't put two on two together. Your name is Hope. You lived here in San Raigo, and you studied at SCU. I should've known. I could've done so many things better." Basag na ang boses niya, at nag alala ako nang marinig na umiiyak siya.

Pain fills my chest, and I close my eyes against the discomfort.

"Grabe ka, wag kang ganyan sa sarili mo." Humiwalay ako sa kanya, "Hindi ko nga maalala breakfast nung isang araw, ikaw pa kaya na halos fifteen years mo akong hindi nakita?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now