"You think so?"
Sa puntong 'to, napaisip na ako kung mahal ba talaga ako ni TJ... or is he making an elaborate plan for revenge? Thinking about hurting me is hurting my father too.
Pero kapag iniisip ko... ang imposible. Hindi siya ganon. Hindi niya ililihim na maghihiganti siya sa akin—TJ would let me feel it and say on my face that he hates me.
"He has treasured you since then and it will never change."
Nakatitig lang ako sa kanya. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko kaya nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Don't be so negative Scarlet... You have the right to be sad and angry for what they did, but I hope you don't let it dictate your life."
Nakatingin siya sa lapida ng kanyang mommy at hinayaan ko na ang luha kong tumulo habang tinitingnan siya. "Isa ang tatay ko sa dahilan kung bakit siya na-aksidente, Jamie. Ang rason kung bakit wala na siya ngayon."
Inangat niya ang kanyang ulo at hinawakan ang tingin ko gamit ng ginintuang kayumanggi niyang mata na minahal ko sa kambal niya. "You don't deserve my brother if you keep living with the reality you didn't do."
Huminga ako ng malalim habang naglalakad sa hallway. Rinig ko ang mahinang tapak ng mga paa ko sa kahoy na sahig.
Tahimik ang mansyon ngayon. Ang mga kasambahay ay wala rito sa main house, at dahil biyernes, nasa school at opisina ang ibang Del Valle.
Walang pumigil sa akin, walang dating ka-trabaho para bumati, at walang tao para bigyan ako ng mapanghusgang tingin habang diretso akong naglalakad sa kwarto ng lalakeng halos tatlong araw ko nang hindi nakikita. Hindi ko na 'to paaabutin pa sa apat.
Nanginginig ang kamay ko nang kumatok ako sa makapal na pinto.
Ilang minuto akong nakatayo at kumakatok nang mapagdesisyonan kong pihitin ang door knob.
Can't he stand up? Is he sleeping?
Nakalimutan kong tanungin si Jamie kung anong kondisyon ng kanyang kambal pero sinabi niya sa'kin na nagpapahinga na ito.
"Hello?"
Isang magulong higaan ang bumungad sa'kin. He was nowhere in his bedroom or bathroom, but I could smell his scent in the air.
Lumingon ako sa balkonahe at binuksan ang pintuan para lumabas.
Sure enough, I see James doing push-ups topless. Hindi ko maiwasang mapasinghap nang makita ko ang mga pasa sa kanyang braso, balikat, at likod.
What kind of punishment did he endure?
This man. Akala ko ba nagpapahinga siya?
He grunts as he finishes a set, wiping his face with a nearby towel. As his face looks up, he smiles at me and passes by to get his flask on the table. "Hello, my baby."
...Ha?
Sinundan siya ng mata ko at gulong tinitigan ang kanyang likod nang nilagpasan niya ako. "Bakit ang casual mo?"
Nag-double take siya habang kinukuha ang flask—na ibinalik muli niya sa lamesa habang nakakunot ang noo na nakatitig sa'kin.
"You're real."
...Huh?
Nag aalangan niyang hinawakan ang mga braso ko at hindi ako nagsisinungaling pag sinabi kong ang sarap uli maramdaman ang init ng hawak niya.
"Okay ka lang ba?" Nagtataka kong tanong.
Tumawa si TJ at akmang yayakapin ako nang mapahinto siya—Inobserbahan ang buong katawan ko. Ang mukha ko ay namumula sa pagiyak at ang pantalon ko ay bahagyang naputikan sa sobrang tagal ng pagluhod ko sa damuhan.
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 39: Cruel Fate
Start from the beginning
