Strings 36: Her Real World

Start from the beginning
                                        

Hinila ako ni Ellena at hindi ko akalaing mahihiya ako sa mga babaeng 'to dahil maliit ang boses ko nang binati ko sila, "Hi guys."

"Gago anong hi hi. Asan ka nanggaling, sinong gumawa nyan sa mukha mo? Hindi sumasagot si Ate Beauty at si Nana sa amin." Humarap si Lorraine sa'kin ng nakataas ang kilay. "Tinawagan ko si Tinang at baka sakaling nasa Casa Del Valle ka, pero wala ka at si James. Siya ba ang may kagagawan niyan?"

Tiningnan ko silang lahat na nakapalibot sa akin at huminga ng malalim. Ano ba ang mararamdaman ko kapag nasa posisyon ko sila?—Kung ganon, alam kong gusto kong sabihin nila sa akin ang nangyayari.

"Kailangan natin umupo bago ko sasabihin sa inyo lahat."

I thought about not telling them for their safety, but I hate lying to these girls, and it's hypocritical if I do the same thing that I hate TJ's doing to me.

So I told them. I told them every minute detail of the discoveries of my life. I told them everything that happened except... except the fact that I killed someone, I... I didn't want to relive that horror.

I can see the mixture of emotions on their faces—shock, disbelief, worry, anger, and grief.

Lahat sila ay umiiyak nang malamang wala na si Nana. Alam kong hindi nila gusto na hindi ko agad sinabi sa kanilang namatay si Nana pero walang nagsalita. Niyakap lang nila ako at sabay sabay kaming nagluksa, mas dumoble ang sakit ng ulo ko pero gumaan ng onti ang aking puso.

"Nag-usap na ba kayo ni James?"

Umiling ako.

"Kayo pa ba?"

Umiling uli ako, kasi hindi ko rin alam. Everything is hazy between us.

Nag usap kaming lima hanggang napagod ang boses ko at nasa tabi ko lang sila nakikinig. Fuck NDA, dahil sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Hinatid nila ako sa labas nang malapit nang lumubog ang araw at nagulat ako nang makitang nakaabang parin si Hera katabi ng kotse niya.

"You didn't leave?"

Nagtataka ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko habang kinakausap ko ang magandang babae na naninigarilyo, habang nakasandal siya sa kanyang sasakyan.

"You waited for me?"

Akala ko magpapanggap parin siyang hindi ako nag e-exist pero sinagot niya ako ng direkta. "Of course, We're still tasked to protect you."

Tumango ako at malungkot na kumaway sa mga kaibigan ko. Ang weird sa pakiramdam ngayon na iniisip kong hindi na ako pwedeng magtagal kasama sila, nang dati lang ay palagi kaming magkasama hanggang sumikat ang araw.

Well, not never. I could stay with them but I know that's not safe. And I would always sacrifice our moments together if it meant their safety. I would never forgive myself if what happened to Ate Beauty and Nana happened to them.

"Tawagan mo kami."

Tumango ako. My heart sank. It feels like a goodbye.

"Scarlet wala akong pakealam kung kanino kang anak, basta tumawag ka okay?"

Medyo natawa ako sa mga salita ng aming Nanay Ellena at tumango, "Oo nga, clingy niyo naman. Sige na pumasok na kayo."

Tinulak ko sila pabalik ng bahay pero hindi sila umalis sa pwesto hangga't hindi ako sumakay ng kotse at pinaandar ito ni Hera paalis.

Kumaway ako sa kanila hanggang mawala ang mga kaibigan ko sa'king paningin. Malalim akong napabuntong hininga at tiningnan ang mga bahay na malalaki.

"Pwede ba tayo huminto?" Mabilisang lingon ko kay Hera nang madaanan namin ang maliit na park ng subdivision. Inulit ko, "Can we stop here?"

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now