"Meron akong naging magulang, si Nana at Ate Beauty."
"Right." Tumango siya, nang maka-recover sa sinabi ko. "I'm sorry about Ate Lucresia by the way..."
Umangat ang tingin ko sa kanya nang mukhang may gusto siyang sabihin pero nahihirapan siyang magsalita.
"I know it's not the right time... but speaking of Lucresia, do you want to talk about changing your name, honey?"
"Ano?"
"Your surname. You're not a Salvacion." Nagsalita ang ama kong tahimik lang sa gilid at tumango sa sinabi ng asawa niya.
Bumilis ang hininga ko habang matagal na natulala sa kanila, kailan lang namatay si Nana. Di ako papayag na papalitan agad ang pangalan niya sa'kin.
Hindi na ako makakatagal dito. Kailangan ko umalis.
Parang pinagpala, tumunog ang aking cellphone.
Bulaklak calling...
"Rose? Okay ka lang?" Bungad ko sa kanyang tawag.
Hindi ko ilalagay ang sarili ko sa hindi komportableng sitwasyong. Something I picked up growing up was that, if it got messy or dangerous, then it was okay to run.
[Finally sumagot ka rin! Nag aalala na kami, Pula. Bakit hindi ka sumasagot sa lahat ng text at tawag namin?]
Mas nataranta ang boses ko, "Bakit? Bakit anong nangyari?"
[Ikaw! Ikaw ang nangyari! Andito kami sa bahay ni Rian ngayon, ano—]
"Hindi naman malala ang aksidente niya?"
[...Ha?]
Hindi masamang tumakbo sa mga problema. Kung sino man ang aangal ay ang unang mamamatay sa isang horror movie.
"Sige. Pupunta na ako diyan. Sige sige."
Narinig ko siyang tumawa sa kabila nang mapagtanto ang ginagawa ko. [Gago? Sino tinatakasan mo ngayon?]
Pinatay ko ang tawag at tinignan sila, "Kailangan ko puntahan ang mga kaibigan ko."
Mabilis akong tumayo at bumalik sa kwarto. Wala sana akong balak umalis pero dahil 'yun ang excuse ko, baka kailangan ko na talagang makipagkita sa mga kaibigan ko.
Antagal ko silang iniwasan.
Tinatanong nila kung nasaan ako pero hindi ako makasagot, dahil alam kong pupuntahan ako ng mga 'yon.
Una, hinihintay kong mawala lahat ng pasa ko sa mukha. Noong nakaraang araw hindi ko na nararamdaman ang mukha ko sa pagkamaga. At least ngayon onting paninilaw nalang ang natira.
Pangalawa, hindi ako handa sabihin sa kanila ang totoo kong buhay.
Pangatlo, ayaw kong mas dumami ang mga kasinungalingan na pinagsasabi ko sa mga babaeng pinakamamahal ko.
Oras na para harapin ko sila. I miss my girls.
I was the friend who lost contact with the others because I was always moving. I reconnected with the four until I bumped into them in college. Kaya hindi na bago kung mawawala ako.
Kaya inisip ko... what if I leave? Will they be safer that way?
But—this could be a selfish thought—I can't leave the girls just like that. I owe them my life, in words I can't express.
Wala si TJ kaya walang pumigil sa akin. Lumabas ako ng bahay nang hindi lumilingon sa aking mga magulang kahit rinig ko ang pagapila nila na aalis ako.
Pero habang naglalakad ako sa damuhan, may matangkad na lalakeng tumabi sa akin. "What are you doing?"
YOU ARE READING
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomanceScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 36: Her Real World
Start from the beginning
