Paglabas ko palang ng kwarto ko sa safehouse, ito na ang bumungad sa akin habang nakaupo si Madame Kristine sa sala at hinihilot ang noo.
Tumikhim ako para masira ang tensyon.
Umatras si TJ. Tinitigan ako mula sa kabilang bahagi ng umiinit na kwarto, at saka umalis.
Sinundan siya ng aking mga mata, ramdam ko ang sakit sa puso ko habang tinitingnan siya. It must hurt TJ that my biological father is a member of the group he's been working on abolishing.
Hinilot ko ang aking noo nang maramdaman ang pumipitik kong ulo. Walang nagbago, hindi maayos ang tulog ko kahit mas nagkaroon ako ng maraming oras para gawin 'yon.
Inilipat ng St. Ceara University ang kanilang face-to-face setting sa online dahil sa nangyari malapit sa school.
It was all over the news but the Del Valle's name or Ces Vallis as a company is nowhere near it. Dugo lang ang natira sa site, wala nang iba pa—at hindi ko rin alam kung saan idiniposito ang mga katawan. Ang nabalita ay isang gang war, at kahit ang security guard ng school na nakitang kong pinatulog ay hindi makikita sa kahit anong news outlet.
Nakakatakot kung gaano nila kayang manipulahin ang media.
At ayun na nga. Bumalik na sa normal ang buhay ng lahat pwera sa akin dahil hindi ko ramdam—dahil walang normal sa kasalukuyang setup ko.
Hindi rin ako sanay na walang ginagawa. Simula nang nagkamuwang ako sa buhay, nag aaral at nagtatrabaho na ako. Kahit nung umalis ako sa Casa Del Valle, nagkaroon agad ako ng orders sa sarili kong business habang nag aaral.
I'm always moving.
I've always been moving. Always been busy. So my mental health dove because the self-love I give myself equates to my productivity.
Pribado ang libing ni Nana. Nana, Ate Beauty, and I only had each other, so it was fast and private.
Everything is so fast, but at the same time, it feels achingly slow.
Dahil sa pagkamatay ni Nana, nabubulok na ako sa kama... at walang ginawa si TJ nitong mga nakaraang araw kundi alagaan at bantayan ako.
At wala akong ginawa kundi iwasan siya.
Hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman, o kung ano ang sasabihin, kapag kaharap ko siya. I hate him, I'm thankful, I'm disappointed, I'm heartbroken, and still stupid in love that I care for him—not that he should know—Iyon ang pinaghalong emosyon na nararamdaman ko para sa kanya ngayon.
Hindi ko pa rin siya kayang harapin dahil alam niya ang bawat maliit na bagay sa buhay ko pero umakto siya na parang hindi niya alam.
I'm not talking to him because I hold him to higher standards than other people. After all, he's my TJ... and I'm disappointed. Maybe it's my fault that I expected he'd be on my side. Turns out he was just paid to do so.
"Good morning." Ngumiti si mama—hindi, ang weird parin kahit iniisip ko palang na tawagin siyang iba maliban sa madame.
"Good morning po."
Andito parin ako nakatira sa headquarters ng Ces Vallis. Dito ako at si Ate Beauty tumutuloy dahil hindi ako pumapayag na humiwalay sa kanya... at dahil narin si James ang head ng security ko, andito rin siya.
Walang magawa ang mga magulang ko kundi irespeto ang desisyon ko, kaya pag bisita nalang sa'kin ang tangi nilang ginagawa.
Ngumiti sa'kin si Sir Ayahiko at bumati ng nihongo, "Good morning, Scarlet."
Tumango ako. Hindi ko pa sila napapatawad pero... civil kami. Nag uusap kami pero hindi mawawala ang pagkailang ko sa kanila.
Twenty-two years of not having them with me will do that.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Red Strings of Fate (Haunted Series 2)
RomantizmScarlet Hope is a broke college student who applied as a maid for a rich family. Timothy James Del Valle is an agent on a mission. His secret mission is to protect her, and being their maid made it easier. Secrets and red strings interwoven too much...
Strings 36: Her Real World
En başından başla
