STARTING AND LEAVING

126 2 0
                                    

JAZZY'S POV



So we are starting all over again. Wala na si Aleli at hindi naman banta si Alona. Masaya naman ako sa naging takbo ng aming usapan. This time, hindi na kami mahihiyang sabihin o ipaalam sa iba na kami na. Naging pormal lang kami ni Melvin sa pakikitungo sa isa't isa pagdating sa opisina. Hindi na kami teenagers para magsweet-sweetan tuwing nagkakadikit. Although, wala ng away sa tuwing magkikita kami. Hindi na kami yung dating aso't pusa na palaging nagngangatngatan. At tiyak kong mahahalata iyon ng aming mga katrabaho.



May mga matitinik pa rin ang mga mata doon at di kami ligtas sa kanilang pangungutya. Kung tutuusin ay hindi naman iyon big deal sana. Nagmamahalan kaming dalawa. Kaya lang, may iba na kasama ang panghuhusga lalo na kay Melvin.



Para sa kanila, ako na anak ng isang heneral ay nararapat lang sa mga katulad ni Chief Frayco na may mataas na katungkulan sa serbisyo. Ako 'yung tipong nasa ibang larangan at hindi bilang sniper... ginagamit ko daw dapat ang aking isip kaysa puso. Kailangan kong isipan ang kinabukasan naming mag-ina... yung magiging safe ang future naming dalawa.



Bagama't may mga kilos siya na kakaiba, natural lang sa kanya at weird sa iba. Tulad ng pagdadala ng bulaklak na dati naman niyang ginagawa lalo na noong bago pa siya dito sa departamento namin. Ako ang medyo nag-a-adjust dahil hindi ako sanay magpakita ng ka-sweetan sa iba lalo na kay Melvin. Kaya noong unang araw na magdala ako ng pagkain para kay Melvin ay nakisuyo pa ako kay Mang Felix na ilagay niya iyon sa ibabaw ng kanyang mesa. Mmm, sa susunod... ako na ang gagawa noon. Si Melvin talaga ang mas sweet sa aming dalawa. Lantaran niyang sinasabi at hindi siya naghihiya.

Kapag nasa operasyon kami, balik kami sa dating gawi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag nasa operasyon kami, balik kami sa dating gawi. Magkatabi na naman kami ulit.



"Uyyyy...mukhang tahimik ang dalawa. Hindi na ba kayo mag-aaway talaga!" Anglakas nilang mang-asar di ba? Buti nga at di na kami nag-aaway tapos iyon pa pala ang hinahanap-hanap nila. Bago kami lumabas, sisimple pa siya. Na-miss ko tuloy si Sgt. Alfaro. Siya kasi ang madalas na makahuli sa aming dalawa ni Melvin. Mag-go-goodbye kiss siya ng walang dahilan tapos kikindatan na lang ako. Pampabuwenas daw para walang masaktan sa aming dalawa.



Naging tahimik ang buhay naming dalawa. Nakakapag-date na kami at di na naming kailangang magtago. Lalabas kami ng sabay sa exit ng hindi kami lingon ng lingon sa aming likuran na parang may makakahuli sa amin. Actually, yung first date nga naming, date din pala ni Sgt. Alfaro sa kanyang asawa. Wala na kaming naitatago sa kanya. Kaya nalulungkot tuloy ako.

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon