JAZZY'S BACK

108 0 0
                                    

JAZZY'S POV



Isang taon lang naman ako nagbakasyon sa mga follow up operations kaya medyo kinabahan ako kanina. BIgla kong naalala si Benj. Humarang siya sa akin kaya siya ang nasapol ng bala na para sa akin sana. Kung na-distract ako sa takot ko, tiyak na magmimintis ako sa kauna-unahang pagkakataon. Napaantanda ako ng krus...Lord have mercy na lang ang nasambit ko saka ko pinakawalan ang balang iyon. It was meant to end the drug lord's life para naman matulungan namin ang buhay ng ibang mga kabataang nalulong sa droga.



Sinundo ako ni Papa dahil sa pagod at puyat ay baka ako madisgrasya sa daan. Pagpasok ko sa kotse at matapos kong isandal ang likod ko sa front seat ay nakatulog kaagad ako. NIyugyog na lang ako ni Papa at nasa malaking garahe na kami. Inalalayan niya ako paakyat ng hagdan hanggang sa makapasok ako sa aking kuwarto.



"Papa, si Benjie."



"Hmm, doon muna siya sa amin. Matulog ka na pagkatapos mong magpalit ng damit. Kakain ka pa ba?"



"Hindi na po..."



Paghiga ko, si Melvin ang bigla kong naisip. Umiiyak ako. Bakit niya sinasabi ang mga bagay na iyon lalo na sa harap pa ng mga katrabaho namin? Pakiramdam ko, niloloko na naman niya ako tulad noong mga estudyante pa kami kaya ako naiinis sa kanya. Gusto ko nang tigilan na niya ako.



Kasi, gusto ko nang maniwala na gusto niya ako. Kaya lang, biyuda na ako at may anak pa. Nahihiya ako. I don't think I deserved him. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Sa kanya at sa akin, lalo na? Ayoko ding husgahan siya dahil binata siya. Lalong ayokong makakarinig ng salita tungkol sa pagiging biyuda ko lalo pa't kabababang – luksa ko pa lang.



Ipinapakita niya ang labis na pag-aalala sa akin. Lantaran niyang sinasabi... na gusto niya ako. Hindi ako maka-moved on sa ginawa niya noong Sunday dito sa bahay. Tuwang tuwa pa si Kuya habang halos matunaw pa ako sa hiya kay Nanay Amalia. Nakakahiya din kina Mama at Papa. At sinamantala naman niya pagkakataon na gustong magpakarga sa kanya ni Benjie.



Sabi ko, sayang...Kung dalaga lang sana ako , papatulan ko na rin. Maniniwala na sana ako. Hahaha, kasi ngayon pa lang... nagbabalik na ang nararamdaman ko para sa kanya. Simula ng makita ko siya dito sa mansion habang akala nila ay wala ako sa katinuan. Natuwa ako pero mas nahihiya dahil kung kalian nasa miserableng kalagayan ako, saka siya nagpakita.



Hindi ko siya puwedeng awayin dahil nagsasakripisyo din siya habang binabantayan ako buong magdamag. Siya pa ang nagpaanak sa akin, di ba? Kung hindi ba naman, pagmamahal ang tawag doon. Pero ayokong umasa na ganoon na nga. Wala pa rin akong tiwala.



Nakatulugan ko ang pag-iyak hanggang sa makita ko si Benj sa panaginip ko. Nakangiti naman siya sa akin at masaya naman siya. Lalo akong nag-iiyak. Namumugto ang mga mata ko paggising ko. Pagtingin ko sa relo ko, 9am na pala. Naku, kailangan kong magreport sa opisina. Nagsend na lang ako ng message kay M/Sgt. Gaspar.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now