CRAZY JAZZY

77 4 0
                                    

JAZZY'S POV



Dalawang linggo na kaming hindi nagpapasinan ni Melvin. Hindi kami nag-iimikan at iniiwasan ko siyang makasama sa mga lakad ng tropa. Kung magkasama kami, iiba ako ng puwesto ng upuan pero tatabihan pa rin niya ako. Nakikipagkuwentuhan pero ayokong makipag-usap sa kanya. Paghinto ng van, lilipat ako hanggang sa di na niya ako makatabi.



"Magkaaway ba kayo ni Sarge?" Tanong sa akin ni Sgt. San Juan. Umiling lang ako. Pipikit at iidlip. Mag-i-earphone ako at makikinig sa kanta ni Bituin at Jaya.



"May bago na kasing apple of the eye si Melvin?" Kahit naka-earphones ako, dinig ko pa rin ang sinabi niya.



Hanggang sa hindi na naman nakapasok si Melvin.



"M/Sgt. Gaspar, maysakit po si Melvin." Si Alona na ang nag-update sa team leader namin. Napatingin din sa akin ang pulis. Nagtext din si Papa sa akin at sinabing maysakit ang binata. Pero nagkasakit din noon si Benjie. Hay, magkadugtong ba ang bituka nila? Pareho pa silang maysakit.



"Baby, bakit ka naman nagkasakit?"



"Common iyan sa mga batang malapit ng mag-isang taon. Nagiging masasakitin sila." Pamahiin lang naman iyon eh at di ako naniniwala.



"Dalawin mo nga pala si Sarge." Bakit ko naman iyon gagawin? Ano ba niya ako? Nurse ba ako?"Matagal na siyang di napapagawi dito." Medyo sarcastic ang pagkasabi ko. Halatang bitter.



"Busy siya sa girlfriend niya..."



"Ano? May sinasabi ka ba, Jazzy?" Tanong ni Mama. Umiling ako.



"Wala po , Mama."



Wala akong choice kundi magpunta doon. Ginamit ko ang susi na bigay niya noon sa akin just in case biglang magbago ang isip ko at gusto ko siyang sorpresahin. He must have liked surprises...



Noong una akong nagpunta doon ay sinabihan ako ng babae na matagal ng di siya umuuwi dahil nasa misyon ito. Alam ko naman iyon dahil magkatrabaho kami. Nagpunta ako doon kasama ang ibang kasambahay ng mansion para sana maglinis sila. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok siya doon. Maaliwalas sa baba... maganda at maluwag ang sala. May mini – bakuran...may gate pa... cute kung tutuusin.



Natuloy din ako kinabukasan. Medyo okay na rin si Benjie noon. Dadalhin daw siya nina Mama at Papa sa kanyang pedia. Nagdalawang isip ako na pumasok sa bakuran pero dinig ko ang tugtog sa loob ng bahay. Bukas din ang bintana at tila sinasalimpad ang kurtina sa loob.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now