MY ONE AND ONLY LOVE

161 3 0
                                    

MELVIN'S POV



Tuwang tuwa sina Tita Amalia dahil sa wakas ay graduate na ako noon. Graduate na rin si Benj. Pareho kaming bigo noon sa pag-ibig. Bigo ako kay Jazzy sa mahabang panahon at ganoon din siya sa kanyang kaklaseng si Zoe.



"Congratulations sa ating dalawa..." Hahaha, mayroon kaming celebration sa bahay. Nagluto si Tita ng mga paborito naming pagkain. Pareho naman kami ng gusto kaya di kami mahirapan ipaghanda ng makakain. Carbonara and kalderetang beef... okay na kami ni Benj.



"So, anong balak ninyong dalawa?" Tanong ni Tita.



"Ako po eh maghihintay lang ng job order mula sa headquarters kung saan po ako ididestino."



"Naku eh bakit naman kasi pagpupulis pa ang kinuha mo? Nakapadelikado ng propesyon mo." Okay lang kasi wala namang naghihintay sa akin. Kung mamatay man ako sa delikadong misyon namin sa trabaho eh di okay. Walang iiyak sa akin. Walang magluluksa sa pagkawala ko at wala akong maiiwan. Hahaha, di na ako nagsalita. Baka magalit si Tita.



"Nanay, ano po bang ligtas na propesyon ngayon?" Biglang napaisip si Tita Amalia. "Kita ninyo...kahit nga po kayo na nandito sa bahay ay hindi rin ligtas. Atsaka, hayaan nga ninyo si Insan. Nasa pagpupulis po talaga ang puso niya." Napakunot- noo tuloy si Tita sa sinabi ni Benj.



"Tumigil ka nga. Baka kung ano ang isipin ni Tita. Tita, huwag po kayong maniwala sa kanya. Iyon po talaga ang matagal ko ng gusto. "



"Sus, aminin mo na...gusto mo lang sundan ang matagal mo ng crush..." Napangiti na lang ako. Gusto pa talaga akong ibuking ni Benj sa kanyang nanay.



Matapos naming kumain ay naiwan ako sa lababo para maghugas ng mga pinagkainan. Nadatnan ako ni Tita.



"O bakit ka naghuhugas? Nasaan na si Benj?"



"Naku eh , alam naman ninyo na hindi naman talaga siya sanay makipag-inuman pero anglakas ng loob magyaya. Knock down na po." Parang boksing lang.



"Hmm, Iho...anong plano mo ngayon?" Natahimik ako habang binabanlawan ang mga plato. Dahan-dahan kong ipinatong ang mga ito sa mesa.



"Magtatrabaho po ako. Iyon po kasi ang pangarap sa akin ni Tatay. Sayang kasi di ko na maipapakita sa kanya ang medalyang nakuha ko." Biglang tumulo ang luha ko. "Anghirap po pala ng ganito. Sawa na po akong mag-isa."



"Hindi kita pipigilan kung gusto mo ng mag-asawa. May girlfriend ka ba Iho?"



"Ha a e...binasted po ako noong babaeng gustong gusto ko. Nang makita ko po siya ay alam kong siya na ang gusto kong mapangasawa. Payapa ang loob ko at parang angsarap mabuhay kapag kasama ko siya."



"Mahal na mahal mo talaga ang babaeng iyon..."



"OPo... kaya lang masyadong malaki ang agwat ng aming buhay... Masuwerte po siya dahil buo ang kanyang pamilya pero ako... ako na lang at siya lang ang maituturing kong pamilya balang araw."



"Iho...mabait ang Diyos dahil nakaligtas ka sa kapahamakan. Ikalawang buhay mo na iyan. Kung anu't anuman ang mangyari, tiyak na gagabayan ka nina Ate Billie at Kuya Leo kung saan man sila naroon."



Hindi ko na napigilan ang luha ko. Niyakap ako ni Tita. Siya na ang tumayo na para ko na ring tunay na ina. Bakit ba ang suwerte nila? Mayroon pa silang ina na puwedeng makinig sa kanilang mga problema.



Ako? Bata pa lang ay binawi na sa akin sina Nanay at Tatay.



Kinabukasan, unang araw ng bakasyon... gusto kong ma-enjoy ang araw pero si Jazzy ang una kong naalala. Binuksan ko ang wallet ko...tiningnan ko ang picture namin ni Jazzy. Stolen picture iyon habang magkasayaw kami. Kinuha iyon ng mga kaklase kong naniniwala na isang araw ay mapagbibigyan din ako ng pagkakataon ni Tadhana para magkaroon ng puwang sa puso ni Jazzy.



"Uy, may sorpresa kami sa iyo...Tadaannnnn..." Napatalon ang puso ko ng makita ang picture.



"Kayo talaga! Mga Bro..."



"Para sa ever martir na lalaki sa buhay ni Jazzy Lane...Heto para naman di ka malungkot sa darating na panahon kung sakaling magkahiwalay kayo at di mo pa rin napapalambot ang puso ni Tiger Amazon."



"Psssttt, ano ba? Grabeh, Pare . Salamat ha!" Napahalik talaga ako sa picture na iyon. "Ship namin kayo eh...JAZMELSHIP pa rin kami...Basta huwag mo kaming kalilimutan..." Tinapik nila ako sa balikat.



Bakit ba agang- aga eh nag-i-emote ako? Napaluha ako pagbangon ko. Paano ko haharapin ang buhay ng mag-isa?



Jazzy Lane Gonzalez Lorenzo, the General's Daughter, my one and only love.


THE BLACK WIDOWΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα