MISTAKEN

110 2 0
                                    

MELVIN'S POV



Nagulat ako sa mga narinig ko sa kabilang linya....Tinanggap ko ang tawag na iyon sa pag-aakalang ako talaga ang tinatawagan ni Jazzy. Ano bang iniisip ni Jazzy? Anong sinasabi niya? Bakit Ava ang binabanggit niya? Sino bang tinatawagan niya? Napailing na lang ako. Mabuti na lang automatic na nagrerecord ito sa lahat ng mga conversation ng tintanggap ng aking phone. I tried listening to it again.



"Ava... ikakasal na si Melvin kay Attorney. Ganito pala kasakit. Hindi ko kayang umiyak sa harapan niya. Nagpunta ako sa apartment niya para sana magmakaawa na huwag akong saktan ng ganito pero di ko nasabi sa kanya na mahal ko siya. Ava... I feel sorry for myself. I had never been true to myself. I never listened to what my heart says. Paano na ako ? Paano na kami ni Benjie?



Sabi ko pa naman, kapag nagkita kami ngayon ni Melvin...I would tell him everything. Not for Benjie but because I truly loved him. Gusto ko siyang makasama habang buhay... kasama ni Benjie. Kasama ng anak niya.



Hindi na sana ako uuwi. Ibibigay ko na ang katawan ko sa kanya para pikutin siya. O kaya gagamitin ko si Benjie o kaya ay ipapamukha ko sa kanya kung ano ang ginawa niya sa akin.



Pero hindi ko pala kaya... Tinitingnan ko siya. Tinitimbang ko kung tama ba ang gagawin ko. Sa bandang huli, I give up hurting him... I just wanted to love him this time.



Pero anong magagawa ko kung magpapakasal na Magpapakasal na siya kay Aleli.



And it is hard to let go. Hindi ko kaya.



And I guess I better go back to the States and start our life anew. "



It that what she is thinking? Akala ba niya , ako talaga ang Melvin na sinasabi ni Aleli. Grabeh talaga si Attorney. Ikakasal na nga lang, gumagawa pa ng eksena. Iyon pala ang iniiyakan ni Jazzy. Di man lang niya tiningnan muna ang invitation card. Kapangalan ko lang naman ang mapapangasawa ni Aleli...Melvin Yap to be exact. Isang businessman...



Matapos magkasakit ni jazzy ay balik siya sa trabaho. I have never seen her smiling face. Malungkot siya at hindi nakikipag-usap sa mga kasamahan namin. Sa ibang van na siya sumasakay tuwing may operasyon kami at diretso siyang umuuwi.



Kapag nagkakayayaan kaming mag-inuman tuwing maaga kaming matatapos sa operayon ay hindi na naming siya isinasama. Hindi naman siya kinakantyawan ng mga kasamahan naming pulis.



Naging malamig ang pakikitungo niya sa akin simula ng matanggap niya ang wedding invitation.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now