IMPACT OF MISERY

128 2 0
                                    

JAZZY'S POV



Hindi ko alam kung paano haharapin ang buhay ng wala si Benj. Hindi ko akalaing mangyayari sa akin ang trahedyang ito sa araw ng aking kasal. Naging maayos naman ang usapan namin ni Hugo. Hindi ko naisip na maghihiganti pa rin siya at si Benj ang sumalo ng bala para sa akin.



Hindi nakaramdam ng kahit na akong banta ng panganib sina Mama at Papa. Simple lang ang kasal namin ni Benj tulad ng napagkasunduan namin. Ayokong mapressure siya. Hindi porke't dating heneral si Papa eh gagawin na naming bongga ang kasal tapos magbabayad ng utang pagkatapos.



Plano naming tumira pansamantala sa bahay nina Benj. This time, makakasama na namin si Charlotte. Hmm, naaalala ko si Leeah sa kanya. Nabanggit na sa akin ni Benj na nag-a-undergo ng theraphy ang kanyang pamangkin dahil ayaw niyang magkaroon ng emotional problem ang kanyang pamangkin dahil iba ang family set up na kinalakhan niya.



Gusto pa rin daw niya na maranasan ni Charlotte na may kikilalaning siyang ina. Kilala naman ng bata kung sino ang kanyang ina. Ayaw lang niya na sumama ang loob nito sa kanya.



Naalala ko ang nangyari kay Ava. Bago siya lumabas ng simbahan ay biyuda na siya pero wala silang naging anak ni Sgt. Espiritu. Umasa ako na magkakaroon ng bunga ang una naming pagniniig ni Benj. Magpapakasal naman talaga kami. Nauna lang ang honeymoon. Blessing in disguise ang lahat dahil kahit namatay siya ay may iniwan siyang buhay sa akin.



Hindi hinayaan ng Diyos na mag-isa lang ako sa buhay. Isang buwang buntis na rin pala ako noon. Mabuti na lang at hindi ako tuluyang nakunan dahil sa sobrang pagpupuyat ko sa nagdaang burol ni Benj.



Ngunit ang buong siyam na buwan ko ay wala ako sa aking sarili. Na-stress talaga ako kaya napilitan daw sina Mama at Papa na i-file ang aking indefinite leave due to illness. Hindi naman ako naloloka, I just don't like to talk. Pero hindi ibig sabihin ay nababaliw na ako. There are times, I know what they are talking. Gusto ko lang mangatawanan na ganito ang kalagayan ko. Nahihiya ako at naaawa sa aking sinapit. Sabi ni Mama, nawala daw ako sa sarili ang naglakad-lakad ako palabas ng villa.



"Anak, sigurado ka bang..." Nakita ko pa rin ang pag-aalala ni Mama at Papa. Nandoon sina Kuya Lee at Ava. Ngumiti ako.



"Mama, Papa... okay naman po talaga ako eh. Nasaan siya?"



"Sinong siya?" Ibinulong ko kay Mama...nagulat ako ng yakapin niya ako. Umiiyak siya sa tuwa...Alam kong bumalik siya. Pero huli na...



"Jazzy..."



"Mama, gusto ko po sanang mag-sorry sa kanya."



"Jazzy..."



"Mama... " Yumakap ako ng mahigpit kay Mama.



My mama knows who I love from the very beginning. Alam niya kung sino ang matagal ko ng hinihintay kaya hindi ako tumanggap ng mga manliligaw. Trabaho lang ang inatupag ko at sina Leeah at Ava ang pinagtuunan ko ng pansin. Madalas kaming mag-usap ni Mama. Kinukumusta niya ako kung balak ko bang mag-asawa.



"Opo,balak ko namang mag-asawa. Huwag po kayong mag-alala...Siya lang naman ang hinihintay ko eh."



"Paano? alam ba niya?" Napakibit-balikat ako. Pero alam kong babalik si Melvin. At sa tagal, hindi ko na namalayan kung ilang taon na ako. Hanggang sa makilala ko si Hugo. Kaya lang, masyadong komplikado ang mga pangyayari. Hindi ko na itinuloy for the love of my mama.



At ang aking kabiguan sa kanya ang nagbigay daan upang makilala ko si Benj. Ang simbahan kung saan humihingi ako ng tulong sa Diyos, ang naging tagpuan namin. Until I gave up Melvin. He has never showed up to me in anyway.



Magpakita lang siya sa akin...at sasabihin ko sa kanya kung ano ang totoo kumbakit kumukulo ang dugo ko sa kanya.



Para din kasi siyang si Papa...malakas mang-asar. At ako ang pinakapikon sa amin. Hindi ako sanay na binibiro kaya todo-rescue kaagad si Kuya Lee sa akin kapag alam nilang iiyak na ako. Ayaw ni Mama na maririnig akong umiiyak dahil lahat kami ay pagagalitan. Nakikita ko ngang inaaway pa ni Ate Justine noon si Papa para huwag akong umiyak. Ipinapakita niyang kakampi ko siya.



Pero after that our arguments and seemingly love's quarrel sabi nga ng mga kaklase namin, Melvin became so distant with me. Hindi na talaga niya ako binibiro at umiiwas siya sa akin. Hindi ko na siya nakikita sa kantin. Malayo na ang upuan niya sa klase, halos likud na likod at natatakpan pa ng mga kaklase kong may malalaking katawan.



Noong grad ball lang talaga kami muling nagkadikit. At hindi ko makalimutan ang ginawa niya ng pahiligin niya ako sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang dagundong ng kanyang dibdib na tila ba kabado habang nagsasayaw kami.



Matapos ang tugtog...na sinabayan pa niya ang awit ni Bituin Escalante...I heard him say "I love you , Jazzy..."



Natural, anglagay sabihin kong I love you din di ba? So I was expecting that he will continue courting me matapos ang graduation. Mas magkakaroon na siya ng lakas ng loob na harapin sina Mama at Papa dahil magaling siyang estudyante. Presidente siya sa klase namin from first year to fourth year...at pareho kaming sniper. Di nga lang siya mananalo sa akin.



Simula ng gabing isayaw ako ni Melvin sa grad ball, umasa ako na susuyuin pa rin niya ako kahit Tiger Amazon ang tawag sa akin ng kanyang mga kabarkada. Hindi pinalampas ng aking mga kaklase na i-blackmail ako gamit ang stolen pic namin ni Melvin. That's why I have a copy of it. Syiempre, hindi ko ipinakitang nagustuhan ko ang kuhang iyon. Sinungitan ko sila at tinakot na huwag ikakalat ang mga larawan or else, mananagot sila sa akin. Inumangan ko sila ng suntok pero tinawanan nila ako.



Ship daw nila kami ni Melvin. Imbitahin daw namin sila kapag nagkatuluyan kami.



At ang puso ko ay nagkaroon ng pag-asa ng makita ko siya sa kabila ng aking kalagayan. Pero ako ba ang dapat magsabi? Sasabihin ko ba sa kanya o hihintayin ko na lang?


THE BLACK WIDOWOù les histoires vivent. Découvrez maintenant