SWEET CONFRONTATION

112 2 0
                                    

MELVIN'S POV



Madaling araw akong umalis sa Maynila at tinungo ko ang Blue Lagoon sa San Juan. Alam ko na ang ikinagagalit ni Jazzy. Baka akala niya , ako ang ikakasal, palibhasa ay Melvin din ang pangalan ng mapapangasawa ni Aleli.



"Melvin, sunduin mo na si Jazzy."



"Mag-usap kayong dalawa at umuwi kayo na may maayos at malinaw na desisyon kung paano ninyo bubuuin ang inyong pamilya."



"Yes general. Huwag na po kayong mag-alala...ako na po ang bahala."



"Magpakita ka naman ng konting authority. Para ka namang di pulis nyan eh.." Inakbayan niya ako at tinapik sa balikat. They are trying to support me. Habang nasa biyahe ay natatawa na lang ako sa kaloob-looban.



"Sir, puwede bang mag-extend kami ni Jazzy sa Blue Lagoon?"



"Bakit naman?"



"Baka hindi po sapat ang isang araw. Baka magmatigas ang anak ninyo."



"Mukhang may balak ka pang iba, Melvin..." Hahaha, mabuti naman at na-gets ni Papa ang ibig kong sabihin.



Tinawagan na pala ni Papa at Mama ang Blue Lagoon. Nakausap nila ang manager upang kumpirmahin kung nandoon nga si Jazzy. Nagpapalakasing daw ang babae. Umorder daw ito ng long necked na alak. Nagkulong lang sa kuwarto. Mabuti naman.



Muli akong nakatanggap ng tawag kay Jazzy. Pero si Ava ang binabanggit niya na kausap niya. Nakinig lang ako sa sentimyento niya. Mukhang gusto lang niya ng taong makikinig sa kanya. Hindi niya hinayaang magsalita ang nasa kabilang linya. Pero kung hinayaan niya akong magsalita, tiyak na hindi na siya makakatanggi. Ano pa ang idadahilan niya ngayong buking ko na siya? Wala siyang ibang puwedeng gawin kundi umamin para matapos na ang kalokohang ito.



Lasing na lasing nga siya ng dumating ako. Ibinigay sa akin ng receptionist ang susi ng kuwarto. Anggulo sa loob ng Room 300. Nakakalat sa carpeted floor ang mga shot glass. Mukhang hindi siya nagkasya sa pabaso-baso lang kaya tinungga na lang niya sa bote ang alak. Nagkalat din ang mga unan kung saan lang. Naka-long sleeves lang siya at kita ko pa ang itim niyang bikini habang nakadapa siya sa kama. Ni hindi na niya nagawang magkumot. Nakakahiya ang hitsura niya. Mabuti na lang at hinayaan na lang ako ni Manager na pumasok. Sinabi ko kasing fiancée niya ako.



Umorder na ako ng kape. Dinala na iyon doon habang pinagmamasdan ko si Jazzy. Nakakaloka ang kanyang posisyon. Angkinis ng kanyang hita at sarap lamasin ng kanyang hinaharap. Kahit magulo ang kanyang buhok...anghel na anghel pa rin ang kanyang mukha.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now