SING AND CONFESS

101 1 0
                                    

 MELVIN'S POV



Balak ko lang sanang ihatid sina Charlotte at Tita Amalia. Hindi na ako lumapit sa kanila. Sumaludo na lang ako kay General at Ma'am Lemuela ng makita ko sila pero nilapitan ako ni Prof. Lee at niyaya ako.



"Sarge...ano? Kumusta? Hindi man lang kita nakita noong binyag ni Bnejie? Busy ba?" Tumango lang ako. "Halika, dumito ka muna..."



"Naku, Sir. Inihatid ko lang po si TIta Amalia. Matagal na daw po kasi niyang hindi nakikita si Benjie. May trauma kasi si Tita sa taxi dahil minsan na siyang naholdap. Eh mas natatakot siya kapag silang dalawa lang ni Charlotte. Susunduin ko na lang po mamaya."



"Sarge, bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Nagpapaliwanag ka pa. Okay lang yun. Huwag ka nang umalis at saluhan mo kami sa tanghalian."



"Sir, nakakahiya."



"Malaki ang utang na loob namin sa iyo sa ginawa mong pagtulong kay Jazzy at Benjie. Nagkausap na ba kayo ng kapatid ko?"



"PO..."



"Halika, nakita mo na ban ang pamangkin mo?" At hindi na rin ako nakaalis. Ipinasa sa akin ni TIta Amalia ang bata at nakipaglaro ito sa akin. Panay ang hagikhik nito ng makipaglaro din ako sa kanya. Tuwang tuwa silang naririnig ang tawa ng bata habang nakaupo sa kandungan ko.



Doon ko lang nalaman na ninong pala ako ng bata. Hindi naman nabanggit ni TIta Amalia. Hindi rin nabanggit ni Jazzy. Ipinasa ko na ulit kay Tita Amalia pero doon nagsimulang mag-iiyak ang bata. Kinuha na ni Jazzy pero di pa rin tumahimik.



"Jazzy ibalik mo na lang muna kay Melvin."



"Papa..." At himalang tumahimik si Benjie.



"See...di pa ba kayo natuto..." Sinenyasan ni Jazzy ang ama na manahimik. Napangiti ang mag-asawang Lee at Ava.



"Para ka din palang si Leeah noong baby...di siya tumigil sa pag-iyak kung hindi si Lee ang kakarga sa kanya." Mamimili ng tatay? Ganoon ba yun? At hindi na nga siya umiyak sa akin. Nilaro din siya ni Charlotte. Kinikilit siya nito at walang tigil siya sa katatawa.



Maya-maya ay nilapitan na kami ni Jazzy dahil kailangan na muna niyang dumede. Sinundan ko sila pero magpapa-breastfeed pala siya.



"Oh, sorry. Doon na lang muna ako."

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now