MISSION I'M POSSIBLE

132 3 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MELVIN'S POV



Sa dinami-dami ng pagkakataon papayagan ang request ko, pinayagan din ako kung kailan nasa kritikal na kalagayan si Jazzy. Hindi niya kinaya ang kamatayang naghihiwalay sa kanila ni Benj. Bata pa ako ng mamatay ang aking mga magulang at ang labis na kalungkutan sa kabila ng aking pag-iisa ay aking nakalakhan na.



Tumanda na ako at heto, nag-iisa pa rin ako.



"Wala ka bang balak mag-asawa, Sgt. Miranda? " Casual na usapan lang.



"Sus, agang –aga...ako na naman ang target ninyo." Hindi na ako suplado ngayon. Baliktad kasi ang mundo. May ibang tao na type yung mga lalaking nagsusungit-sungitan kuno. "Mag-aasawa din ako. Biyuda nga lang ang type ko."



"Wow, biyuda at may experience ba kamo?" Hagalpakan ang mga pulis. Nakakainis! Bakit ko ba nasabi pa iyon?



Mabilis na kumalat ang sinabi ko. Joke lang naman iyon at wala akong ibig sabihin. Wala rin akong binanggit na tao kung sino ang biyudang iyon.



"Uy, Sgt. Miranda...ngayon lang namin nalaman na type mo pala ang biyuda...kaya ka ba nagkaedad ng ganyan dahil kay Lt. Lorenzo...Abah, anggaling mo ding pumili ha!" Hayun...nagsimula na ang apoy... hindi ko mapipigilan kung hanggang saan umabot ang tsismis na iyon. Siya pa lang naman ang biyuda sa presinto na iyon. Imposible namang matanda ang matipuhan ko di ba?



Hanggang sa ipatawag ako sa opisina. May special assignment ako. Tinanggal muna ako sa SWAT. Gulat na gulat ako.



"Yes, tama ang dinig mo. This time, hindi ka muna sasama sa SWAT."



"Sir, saan po ang next assignment ko?" Iniabot sa akin ang isang sobre...isang personal na liham iyon...mula sa isang ama na nakikiusap...para sa kanyang pinakamamahal na prinsesa...kailangan daw niya ng personal body guard.



Lulugu-lugo akong lumabas ng opisina. Confidential iyon. Bakit ako??

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now