ACT IT OUT

104 1 0
                                    

JAZZY'S POV



For the meantime, we enjoyed the company of us three... I experience going out for the first time na kasama si Melvin. Sinundo niya kami ni Benjie. Magpicnic daw kami sa Tagaytay. Kahit kaming tatlo lang. Pumayag naman ako kasi that is new.



No questions asked from Mama and Papa so that means they like Melvin. Without any formality or confirmation from me, sapat na sa kanila na makitang masaya kaming tatlo.



"Ingat sa daan, Melvin. Kasama mo ang mag-ina."



"Yes Sir...Sige po, Ma'am Lemuela, aalis na kami."



"Benjie Boy, behave ka kay Mommy at Dada."



"Behave naman talaga siya sa akin." Sabi ni Melvin.



"At sa akin siya nagwawala."Bigla kaming natawa.



Nakita ko ang kakuntentuhan ni Melvin. Maaliwalas ang kanyang mukha. Wala siyang inaalalang kung ano. Panay ang kanyang ngiti sa akin. Binuksan niya ang stereo sa loob ng kanyang kotse. As usual, ang walang kamatayang kanta ni Bituin at ng Company ang aming pinakinggan.



"Paborito mo talaga 'yan."



"Because that song reminds me of you often. "



"Bakit kasi di ka humanap ng girlfriend."



"Because I can't forget you."



"Ano naman ang di mo makalimutan sa akin eh puro heartaches ang binigay ko sa iyo?"



" I never considered them heartaches. Pagsubok lang iyon sa kahit na sinong nanliligaw." And I see Melvin with his positive disposition in life.



"Jazz, thanks for accepting me again." Iyon ang akala niya. After this...ano ang gagawin ko? Lalayo ako ng tuluyan sa kanya.



Naging masaya ang aming weekend. Atleast , makakapamasyal si Benjie sa labas. May ibang view siyang makikita bukod sa loob ng mall.



Ambilis lang ng dalawang linggo. So, that weekend I decided to stay at Nanay Amalia's house. Si Melvin ang sumundo sa amin tulad ng dati na niyang ginagawa. Sa backseat kami umupo pero panay ang sulyap niya sa akin. Mas tumitindi ang aking pagnanasa tuwing nagkikita kami ngayon dahil sa nangyari sa amin.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now