SHE'S BACK TO WORK

102 0 0
                                    

JAZZY'S POV



Masaya akong binati ng aking mga kasamahan sa opisina. Sinikap kong di malungkot sa unang araw na parang di ako umabsent ng matagal. Pero paglapit ko sa akong mesa, nakita ko doon ang pumpon ng white roses which reminds me of Benj. Napangiti ako pero nangilid bigla ang luha ko. Ayokong makita nila na umiiyak si Jazzy Lane Lorenzo Alberto kaya nagmadali akong lumabas ng opisina at nagtungo sa CR.



Sino kaya ang napaka-insensitive na nagpadala ng mga bulaklak na iyon? Alam na niya that I sued to get white roses before? Umiyak ako sa loob ng cubicle. Pigil na pigil ang iyak ko. Hindi ako puwedeng humagulgol dahil kakalat kaagd ang tsismis. Ayokong kaawaan nila ako. Kabababang luksa pa lang namin sa pagkamatay ni Benj.



Nalulungkot lang naman ako dahil wala na ang presensiya niya pero seeing my baby Benjie would always make Benj present in us. Kamukhang kamukha kasi niya ang bata.



Two months pa lang si Benjie kaya madaling alagaan. Hindi pa siya hahabol. Ano kaya ang feeling na may batang hahabol sa iyo at iiyakan ka bago ka umalis going to work? It reminds me of Kuya Lee and Leeah. Hindi rin kaya ako makakapasok? Tatakas din ba ako tulad ng ginagawa niya? Paano ko kaya mauuto ang anak ko para makapasok ako? Hahaha... anyway baby pa naman siya. I can still enjoy him. Huwag muna siyang lumaki.



Natuwa ang lahat ng magtungo ako sa aming hepe upang mag-report na sa kanya for duty. Isang masiglang Jazzy Lane Lorenzo Alberto ang kanila ngayong nakita.



"Wow, gumanda ka ngayon dear."



"Hiyang ka sa pag-aasawa."



"Kumusta ang baby mo? "



"Uy dalhin mo naman ang baby mo dito!"



Tumango lang ako. Na-miss ko silang lahat. Ngayon ko naramdaman na na-miss ko din pala ang presinto. Pero atleast ngayon, nasa kondisyon akong magtrabaho. Mas inspired ako dahil may little Benj ako na pag-uukulan ko ng aking panahon.



Pagdating ko sa department namin ay nagpatawag kaagad ng urgent meeting ang SWAT TEAM LEADER namin. It was all updates on the recent follow up operations that our department has been doing in the past six months .



"May bago tayong sniper ngayon..." Dinig kong sabi ni PO1 Jacinto at PO1 Kilayco. Mukhang kinikilig ang dalawa habang nag-uusap. Hmm...so, ibig sabihin may karelyebo na ako just in case hindi ako makakasama sa mga lakad ng aming opisina. Pagkatapos ng updates, magaan na ang usapan. May tawanan na at joke pa.



"We also welcome Jazzy back. Welcome back SPO2 Jazzy Lane Lorenzo ." Ngumiti ako at tumayo para i-correct din sila.

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon