REVELATION 101

106 1 0
                                    

JAZZY'S POV



Pinadalhan ako ni Nanay Amalia ng Arroz Valenciana. Iyon ang ipinahanda ni Benj noong first time niya akong anyayahan sa kanila. Specialty daw niya iyon. Nagustuhan ko naman. At ngayon nga dahil matagal din akong di nakapunta sa kanila ay pinadalhan niya ako ng pagkain. Nakita ko na lang sa mesa ang paperbag. May nakalagay na pangalang Jazzy pero may isa pang lagayan...pangalan ni Melvin. Hmm, baka hindi niya alam na meroon din siya kaya inilagay ko na sa mesa niya. Hindi na ako magtataka, galing ito kay Melvin.



Tsss, agang aga eh meroon siyang kalambutsingang babae sa isang sulok. Parang nagtatalo pa sila. Mukha namang edukada ang babae.



"Uy, nakita mo ba yung babaeng kasama ni Sir Melvin? Ano ba niya iyon?"



"Akala ko ba, binigyan niya ng bulaklak si Ma'am Jazzy?"



"OMGGG! Playboy ...ay, bakit?"



"Di bale, basta crush ko siya."



"Pssssttt, tama na yan. Trabaho na."



"Yes, Ma'am." Nag-peace sign pa ang dalawa.



Umalis naman ang dalawa pero sa kantin ko sila inabutan. Hay naku, lalong nagngitngit ang kalooban ko sa aking nakita. Parang ahas na nakapulupot ang kamay ng babae sa matipunong braso ni Melvin. Buwisit, gusto kong maghuramentado ng walang dahilan. Gusto kong manuntok ng tao. Tapos naghalikan pa sila doon.



Inantok kasi ako kaya naisip kong magkape pero wala ng tubig sa opisina kaya dumayo ako sa kantin. Of all places, sana ay hindi na ako nagpunta doon. Di ako masyadong nakatulog matapos naming mag-usap ni Mama.



Pinag-iisipan ko pa lang eh heto..ipinapakita na sa akin ang realidad. Well, hindi ako masyadong mag-i-expect. Ginawa ko na lang ang trabaho ko ng araw na iyon.



Sa pagkadismaya ko, pinuntahan ko na lang din si Nanay Amalia. Tuwang tuwa siya ng makita ako.



"Mommy Jazzy..." Sinalubong ako ni Charlotte ng yakap.



"Jazzy, Iha...Naku, salamat naman at dinalaw mo ako. Sus ko ang batang ito. Kumusta ka na?" Very warmth ang welcome sa akin ni Nanay. I feel light hearted, napaka-down to earth ng pagtawag ng nanay di ba?



"Okay lang po ako. Nakabalik na po ako sa trabaho."

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now