SOMETHING TO HOLD BACK

88 1 0
                                    

JAZZY'S POV



Hindi naman ako papasok sa isa pang relasyon ng ganito kaaga. I have to take a lot of considerations bago ko tuluyang aminin kay Melvin ang buong katotohanan. I see how Mama and Papa liked him for me. Undoubtedly, Benjie must have liked him too.



Okay na kami ni Ate. I already have plans of sorting out my feelings for him. Lalo na ang lahat sa amin simula sa mga kapatid ko. Okay na kina Mama at Papa pati kay Benjie. Kailangan ko pang magpaalam kina Nanay at Charlotte lalong lalo na kay Benj.



Kinalunesan, halos magkasabay kaming pumarada ni Melvin sa parking area. Natural lang ang kilos naming dalawa. Tulad pa rin ng dati, hindi kami close sa isa't isa.



"Good morning, Sweetheart." Anglakas ng loob niyang magsalita palibhasa ay kami lang. Ngumiti lang ako. "Good morninggggg!"



"OO na. Anglakas ng bibig mo! Manahimik ka ngaaaa!"



"Ang aga-aga eh ang init ng ulo mo. Kumusta si Benjie?"



"Hayun, nasanay na kina Mama at Papa."



"Hayaan mo na. Baby pa naman eh."



Pagpasok namin sa gusali ng presinto ay nagbago na ang status naming pareho. Nagsusungit na naman ako kay Melvin. May bulaklak na naman ako sa mesa. Itinusok ko muli sa aking book organizer. Napahinto ako ng pumailanlang sa loob ng opisina ang kantang iyon. Wow ha!



"PO1 Alegre..." Mabuti at napadaan doon si Alona.



"Yes, Ma'am..."



"Puwede mo bang hinaan ng konti ang sounds?" Tumango naman si PO1 Alegre pero ng dumaan si Melvin, bigla niya itong nilakasan. "Ang aga- aga..."



"Sino ang magaling na nakialam ng kanta ko?"



"Eh Sarge, pasensiya na po. Pinahihinaan ni Ma'am Jazzy."



"Hayaan mo nga siya. Bakit? Sa kanya ba ang kantang ito? Makinig na lang siya." Nilingon ko siya at inirapan. Then I received a text. "Okay ba ang drama? " Pero nakakaloko ang ngiti niya. Nang-aasar lang talaga! "Kapag pinatay mo 'yan, ako ang kakanta." Aktong i-su-switch off na sana ni Alona. Hindi ko siya pipigilan. Titingnan ko kung ano ang gagawin niya. Hayun, pinatay nga...



"Ah talagang hinahamon mo ako ha!" Si Alona ang kaharap niya. "Psst, umayos ka at huwag mong pakialaman si Alona." Text ko sa kanya. At tumayo siya ng maayos sa gitna. Seryoso nga siya. Boses pa lang, nakakain-love na.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now