ILLUSIVE DREAM

85 0 0
                                    

MELVIN'S POV



Pinabalikan ko sa mga pulis si Jazzy at si Benjie sa Counter 2 ng department store sa baby's section... Bago ako nawalan ng malay, narinig ko pa ang tawag niya sa akin. Naramdaman ko ang mahigpitan niyang hawak sa kamay ko at kitang kita ko ang pagpatak ng kanyang luha.



"Melvin...Melvin...Huwag mo kaming iwan..." Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Paggising ko, nagulat ako ng makita doon si Aleli. Hindi ko maitago ang katotohanan at ang pagkadismaya ko na iba ang aking makikita paggising ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?



Nasaan na si Jazzy? Pumasok ang doctor at sinabi kaagad ang pakay doon. Sinabi niya ang nangyari sa akin at ang procedure na ginawa sa akin. Sinalinan din daw ako ng dugo. Madami pa sana akong tatanungin kaya lang nandoon si Aleli. Pero madaling nakahalata ang doctor at iniwan kaagad kami. Saka siya bumalik ng iwan ako ni Aleli para bigyan ng pampaampat ng dugo dahil pilit kong pinaalis si Aleli. Ayoko siyang makita sa loob ng kuwarto ko.



"Di ko masabi sa iyo, Sarge kasi may ibang babae dito. Mabuti at wala yung isa. Hindi ko alam kung anong nangyari. Naisip ko kanina na di muna sabihin kasi nakikinig siya sa usapan natin. Baka bigla kayong mag-away...Nag-away ba kayo?"



"Hindi Doc...pinaaalis ko siya at napuwersa akong hilahin siya gamit ang braso kong bagong opera."



"Hmm, naku, buti at hindi nagpang-abot ang misis mo at ang babaeng iyon? Mukhang abogada pa naman."



"Ano pong sabi?"



Si Jazzy daw ang nag-asikaso ng lahat bago siya umalis. Siya ang nagbigay ng consent sa aking operasyon at ang pagsasalin ng dugo sa akin. Siya na ang nag-asikaso ng pagkuha ng kuwarto ko habang hawak si Benjie.



"Buti at behave ang anak mo...ampogi ha!"



"Naku, kawawa naman sila."



"Parang may sumundo sa mag-ina mo dito. Anak ba nang general ang asawa mo...may dalawang unipormadong lalaki silang kasama...syiempre, sinundan ko sila bago umalis. "



"Salamat Doc."



Mabuti at dumating si Nanay Amalia para asikasuhin ako dahil kapag nanatili dito sa kuwarto si Aleli ng buong magdamag, tatakas talaga ako. Uuwi ako sa apartment. Mas safe ako doon. Girlfriend pa ang pakilala niya sa kanila. Hahaha, sorry...hindi ka type ni Charlotte kaya no way din.

THE BLACK WIDOWDonde viven las historias. Descúbrelo ahora