LITTLE SUSPICION

91 3 0
                                    

JAZZY'S POV



Yeah, next is Melvin's birthday. Tamang tama ang kanyang pag-uwi. Mas panatag ako na nandito siya kahit nagbago na ang lahat sa amin. Isang buwan bago ang kaarawan ni Benjie ay umuwi siya. Tumupad pa rin siya sa kanyang pangako o nagkataon lang... nagtext na lang ako sa kanya na magpunta sa bahay para sa isang salu-salo sa first birthday ni Benjie. Pero suggestion nina Mama at Papa na dalhin si Benjie sa presinto. Day off ko kasi noon. Lahat ay nasa opisina na ng dumating kami ng bandang alas diyes ng umaga. First time nilang makikita ang anak ko. Tuwang tuwa silang lahat.



"Ma'am bakit kamukha ni Sir Melvin ang baby mo?"



"Hmm, saang banda? Kamukha siya ng asawa ko...Benj ang name niya."



"Ah ,sa kanya po ba ninyo isinunod ang pangalan ni Benjie." Tumango ako. Parang miss na miss ni Melvin at Benjie ang isa't isa ng magkita sila. Pinupog niya ng halik ang bata. Pero doon ko lang din lalong nakita ang pagkakahawig nilang dalawa.



"Pinsan ng husband ko si Melvin."



"Ay talaga po..." Di ko na iyon inilihim pa. And getting close with him is no big deal. Dahil gusting gusto n ani Benjie ang maglakad ay tinulungan ko siyang ibigay ang mga invitation sa mga kaopisina ko pero medyo nakasimangot si Melvin.



"Bakit mo pa siya isinama dito? Sana, ikaw na lang ang nagpunta para iabot yan ng isa-isa. Mapapagod ka...mapapagod ang bata." Di na ako umimik. "Napagod ka ba? Ambigat n ani Benjie o..."At mukhang nakalimot siya. Bigla niyang sinalat ang pisngi ko para pawiin ang pagod ko. Lumayo ako dahil nandoon si Alona. Nakakahiya naman. Baka masabihan pa akong nilalandi ang boyfriend niya.



Dumiretso na sila sa bahay. Nandoon si Charlotte at nanay Amalia. Nandoon din ang mga kapulisan na inimbitahan ko. Kompleto rin ang aking pamilya.



Nagkaroon pa rin ng blowing of candle si Benjie pero iyak siya ng iyak sa akin. Pagdating kay Melvin, saka siya huminto at kaming tatlo ang nag-blow ng candles. Ipinasa sa akin ni Melvin ang bata at niyakap kaming pareho.



"Happy birthday baby...Love ka ni Mommy at Dada..." Hahaha, gusto kong maiyak pero tumulo na ang luha ko. "Uy, bakit ka umiyak?"



"Wala masaya lang ako. "



"Uy, bakit may nag-iiyakan dyan?" Sigaw ni Kuya Ice.



"Melvin...ano ba yan? Pinaiiyak mo ba kapatid namin ha!' Sigaw ni Kuya Jude.


THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now