MOTHER- IN- LAW KNOWS

102 2 0
                                    

AMALIA'S POV



Nagtaka din ako kumbakit simula ng huling pagpunta ni Jazzy sa bahay ay hindi na ako nakarinig ng balita sa kanya. Hindi na niya ako tinawagan para kumustahin. Pati si Charlotte ay panay ang tawag sa kanyang Ninong Melvin. Palagi naman daw busy ang cellphone nito.



Narinig ko ang away nina Jazzy at Melvin. Gusto ko ring kumpirmahin ang puno't dulo ng kanilang mainitang pagtatalo ng gabing iyon. Si Jazzy ang naririnig kong nagsasalita pero hindi gaanong malinaw sa aking pandinig. Basta't ang alam ko ay sumisigaw siya sa galit...sa sobrang galit kay Melvin.



Lumabas si Melvin sa kuwarto at nakayuko siya. Dumiretso sa ref at kumuha ng bote ng alak. Hindi ko na siya nilapitan. Hinayaan ko muna siya. Isinara ko ang pinto ng hindi niya namamalayan. Pagdating ng bandang alas diyes ay gising pa si Melvin kaya nilapitan ko na siya para awatin.



"Melvin...bakit ka ba umiinom?" Bigla niyang itinago ang boteng hawak.



"Nagpapaantok lang po." Iyon naman ang madalas nilang dahilan ni Benj. Nagpapaantok lang. Tinabihan ko siya.



"Ano bang problema?"



"Wala po , Tita."



"Magsabi ka na...makikinig ako. Ikaw talaga, Melvin. Halos parte ka na ng aming pamilya. Nahihiya ka pa ring magsabi sa akin. Wala na si Benj na palaging magsusumbong sa akin ng problema mo." Nagpaalam si Melvin na liligawan si Jazzy. Gusto daw niya itong pakasalan. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"



"Aangkinin ko pong parang anak ko na rin si Benjie." Matagal ko nang alam na si Jazzy ang tipo ni Melvin. Kaklase daw niya ito sa academy. Hindi marunong maglihim si Benj pagdating sa kanyang pinsan kaya nalaman ko ang aksidenteng pagtatagpo nila ni Jazzy sa simbahan ng St. Gabriel.



Pero nito lang, nang muling dumalaw sina Jazzy at Benjie for weekend ay nakita ko ang malaking pagkakahawig ni Melvin sa bata. Naisip ko na lang na pamangkin kasi niya ang bata, magpinsan sila ni Benj, natural lang na may pagkakahawig sila. Malapit din siya sa bata at kapag silang tatlo na nina Jazzy ang magkakatabi...



Para silang one happy family.



"Gusto ko ding makatagpo ng panibagong pag-ibig si Jazzy. Napakaaga pa...napakabata pa niya para mabiyuda. Madami pang lalaki ang hahabul-habol sa kanya. May magkakagusto pa sa kanya. Praktikal na rin ang mga lalaki ngayon. Mas gusto nila ang may karanasan na."



"Tita naman..."


THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now