HAPPY ME

97 1 0
                                    

MELVIN'S POV



Hindi ko maipaliwanag ang saya ko pagpasok ko ng dati kong kuwarto. Maids quarter iyon nina Nanay Amalia. Dati kasi, noong buhay pa si Tito Ben ay mayroon pa silang katulong. Malaking bungalow ang bahay na iyon. May sariling kuwarto sina Tita Amalia at Tito Ben. May sariling kuwarto sina Benj at Benjo. Pero noong umalis si Benjo, si Charlotte na ang natulog sa kuwarto na iyon. Samantala noong wala na silang katulong, doon na ako pinatulog ni Tita Amalia. Iyon na rin ang naging kuwarto ko habang nag-aaral ako sa academy.



"Hay, si Jazzy talaga! " Napangiti na lang ako. Kinilig ako. At sa katunayan ay masayang masaya ako. "Hindi ka magsisisi, Jazzy..." Niyakap ko ang unan at napaiyak ako. Grabeh, ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.



Naging kami ni Jazzy ng gabing iyon. Lihim ang magiging set up sa aming relasyon.Parang wala sa katinuan ang aming usapan. Malabo... Tsk! Tsk! Tsk! Malabo talaga! Ni hindi man lang siya sumagot ng oo. But I will not expect her to say I love you right away. Kahit man lang sana OO ay sumagot siya pero hindi eh. Inulit ko pa sa kanya para sana ma-confirm ko ang sagot niya pero natakot akong bigla. Baka makulitan at biglang bawiin kahit wala siyang sagot. Baka mamaya, okay na eh maging nganga pa. Sumagot man siya ng oo o hindi, basta ang mahalaga ay kami.



Nag-alarm ako ng 5am. Naligo kaagad ako. Gising na rin si Nanay Amalia. Nagluluto na siya ng pang-almusal. Pinuntahan ko ang mag-ina. Nakakumot pa silang dalawa.



"Jazzy, wake up..." Nagulat ako kasi biglang napabalikwas si Benjie... Gumapang palapit sa akin kaya kinuha ko na kaagad. "Jazz, gising na. " Bulong ko pa. "Nagluluto na si Nanay. Di mo ba siya tutulungan?"



"Ha..." Bigla siyang bumalikwas at bumangon.



"Good morning...Kahit bagong gising ka, angganda mo pa rin!" Napatitig ako sa pantulog niya.



"Uy, Melvin. Kung saan-saan nanaman nakatingin ang mga mata mo." Nanggigil tuloy ako kay Jazzy. Umiwas na ako ng tingin. Kinuha niya ang kanyang bathrobe at lumabas. Sumunod na kami ni Benjie.



"Good morning po, Nanay. Tutulungan ko po kayo."



"Naku, Jazzy si Benjie na lang ang asikasuhin mo dahil mahirap mag-asikaso ng bata. Melvin, tulungan mo si Jazzy. Magpakulo ka ng tubig para makaligo mamaya.



"Nanay, di po ba puwedeng punasan na lang muna si Benjie."



"Ah, oo nga...kailangan pa rin niya ng mainit na tubig. Hala, Melvin..." Hayan, ako pa tuloy ang nataranta. Kinuha ni Jazzy ang bata at naupo sila sa sopa.

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon