TRAGEDY AND SICKNES

107 0 0
                                    

JAZZY'S POV



Nataranta sina Mama at Papa ng malamang nagkaroon ng robbery- holdap sa bangko ng mall na pinuntahan namin. Nakausap ko naman sina Mama at Papa habang nakatago kami ni Benjie.



"Mama...kasama namin si Melvin...mamaya ko na po ipapaliwanag sa inyo." Ako na ang umasikaso kay Melvin pagdating sa ospital. Ako ang kinausap ng doctor to ask consent dahil maooperahan si Melvin at sasalinan din siya ng dugo.



Kumuha kami ng pribadong kuwarto para sa kanya lalo na pagkatapos ng operasyon. Hindi ko na kinorek ang mga nurse at doctor, addressing me as Mrs. Miranda. Maliit na bagay. Hindi ako tumutol. It's my pleasure hahaha. Ganito ang pakiramdam na tawagin kang Misis...



"Mrs. Miranda, ooperahan po natin ang mister ninyo...sasalinan po siya ng dugo."Pero ng tanungin ang blood type niya, di ako makapagsalita. Napangiti pa ako. Puwede naman nilang gawan iyon ng paraan. Hahaha... kung talagang asawa ako, ultimo blood type niya ay alam ko dapat.



Gumaan ang pakiramdam ko ng ipasok siya sa loob. Ligtas na daw siya. Mabuti na lang at behave si Benjie. Hindi siya umiyak. Habang hinihintay naming na mailabas si Melvin ay nagdasal kami sa chapel , pagpasok namin sa loob ng private room ay pinadede ko na siya kaya siya nakatulog ng mahimbing sa pagod na rin.



Pero di ko inaasahan ang pagdating ng kontrabida at epal na abogadang si Atty. Esguerra. Wow! Asawang asawa ang dating ng lukaret. Alalang- alala pa ang peg niya. Umalis na ako para habang tulog pa si Melvin ay maiwasan namin ang komprontasyon. Pero sinundan niya ako sa labas. Di siya nakuntento.



"I hope na ito na ang una at huling pagkakataon na makikita kitang lumalapit kay Melvin. Stay away from my boyfriend."



"Atty. Esguerra, I know where I stand. Wala akong inaagaw sa iyo so don't be scared. I don't look like a second wife here. Kung makaasta ka para kang asawa na alalang -alala. Boyfriend mo pa lang, don't overreact."



"YOU..." At dinuro pa niya ako.



"Pasalamat ka at may kasama akong bata. Kapag dinuro mo pa ako, sa orthopedic ka pupunta pagkatapos..."



"Abah..."



"Abah, huwag mo akong hamunin. Kilalanin mo muna ang kaharap mo bago mo ako hamunin. Or you will have to talk to my lawyer... "



"SHUT UP!!! Get out of Melvin's life..."

THE BLACK WIDOWΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα