COURTING A WIDOW

91 1 0
                                    

SAXO'S POV



Hindi ko inaasahan si Sgt. Miranda sa bakuran ng mga Lorenzo. Biyuda si Sgt. Jazzy Lane Lorenzo- Alberto at may isang anak na lalaki. Isang malaking balita ang trahedyang sinapit niya sa araw ng kanyang kasal. She is the most beautiful bride I had ever seen on screen. At walang kaso sa akin kung siya ay biyuda. Hindi yon magiging isyu sa aming dalawa. Annulled ang kasal ko sa una kong asawa. Nanligaw ako pero hindi ko naisip pakasalan. May tatlo akong panganay sa iba't ibang babae.



Pero nang makilala ko si Jazzy. I was dumbfounded by her beauty. Na-love at first sight ako sa kanya. Kaya naisip kong ligawan ang biyuda. Slim ang katawan ni Jazzy, sexy at kahit may anak, hindi iyon halata.



Tahimik si Jazzy ng sunduin ko sa kanila. Naka-formal siya ng damit. Pormal din ang suot ko. Kilala ko naman si General Lorenzo at ang kanyang asawa. Hindi naman ako maglalakas loob na ligawan ang anak niya kung lolokohin ko lang.



Inalalayan ko siyang pumasok sa loob ng kotse. Okay na sa kanya ang buffet. Di pa raw niya nai-experience sa Four Seasons...medyo popular na kainan iyon na may madaming choices of food. Malakas siguro siyang kumain.



"Jazzy... manliligaw mo ba si Sgt. Miranda?"



"Huh, bakit naman po ninyo naitanong?" Bigla akong natawa. Namumupo pa siya sa akin.



"Hmm, baka puwedeng huwag mo na akong pupuin... Di pa naman ako masyadong matanda. Makakabuo pa naman ako." Di niya pinatulan ang joke ko.



"Let's not better talk about him. Are you interested on him para sa akin mo pa tanungin? Why not date him and know more about him?" Wow, blunt siyang magsalita. Mukhang galit. Tumingin siya sa labas ng bintana.



"I apologized for that. Nakita ko kasi siya sa inyo kanina. Hawak niya ang anak mo. Dada pala ang tawag ng bata sa kanya."



"Pinsan siya ng asawa ko. Pamangkin niya si Benjie kaya hindi iyon issue. From time to time, he comes and visits us. Minsan kasama niya ang pamangkin niyang babae at mother in law ko." Ganun pala!



Magkatabi kami ni Jazzy sa upuan. I chose the most comfortable couch for us. She likes pasta lalo na ng carbonara... shrimp, caldereta, and maki. Konti lang siyang kumain ng rice pero she likes soups. She likes veggies pero hindi naman daw siya vegetarian. Pinalaki lang sila na kumakain din ng gulay.



"Malakas ka din palang kumain pero infairness, di ka tumataba."



"Thanks for inviting me over."


THE BLACK WIDOWजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें