LOVE ATTACKS

101 2 0
                                    

ALONA'S POV



Kinalunesan ay pumasok na si Ma'am Jazzy. Ka-lurky...pasulpot-sulpot ang aming best sniper. Now you see and now you don't. Tahimik naman siyang pumasok ng opisina. Kasunod niya si Mang Felix, inilagay ang isang plastic ng breakfastmeal at coffee sa ibaba ng mesa ni Sir Melvin.



"Thanks po, Mang Felix." Dinig kong sabi niya. Lumabas na kaagad ang lalaki.



"Hello, Maam Jazzy " Bati ko naman sa kanya. "Bakit po wala kayo sa kasal ni Attorney?" Tamang tama ang dating ni Sir Melvin.



"Good morning Jazzy...." May dala siyang isang tangkay ng tulips. Napaurong akong bigla ng yumuko siya . Muntik ng mahulog ang puso ko. Akala ko, magtutukaan na sila sa harap ko. Ako ang nahiya. Tinitigan lang ni Sir si Ma'am tapos iniabot ang bulaklak. Wagas ang pagpapakilig niya. Hay naku, may gumawa lang ng ganoon sa akin, ako ang susunggab ng halik.



"Ano ba??? Ang aga- aga..."



"Bakit ka absent ?" Tanong din ni Sir Melvin.



"I went somewhere far para makapag-isip... kung magtatrabaho pa ba ako, mag-aasawa at hihinto na sa pagpupulis." Sabi niya. Napangiti ako.



"Do the second option..." Sabi ni Sir habang palapit siya sa kanyang mesa. "Akin ba ito? Salamat naman. Di pa kasi ako nag-aalmusal. "



"Sir, inilagay po yan ni Mang Felix..." Sabi ko pa pero wala namang pakialam tong si Sir Melvin. Tinititigan pa si Ma'am Jazzy tapos niyaya siya at ako, hindi. Ngumiti pa siya. MYGOSHNIK! Pupulutin talaga sa sahig ang puso ko. Ano bang nangyayari sa dalawang ito?



Isang malaking himala ang pananahimik ng dalawang aso't pusa sa aming departamento. Maaga silang pumasok pero walang away. Halata ko sa mga kasamahan namin na napapangiti, napapaismid at nagtataas ng kilay sa kanilang nakikita. Panay lang kasi ang sulyap nila sa isa't isa.



Maya-maya, tutunog ang mga cellphone nila...tapos tututok na lang sila sa cp at ngiti pa ng ngiti. May something talaga sa kanilang dalawa.



"Uy, bakit ba kanina ka pang di mapakali sa upuan mo? Para kang paparazzi...may bago ba?" Tinatanong ni PO1 Kilayco kung may bago bang update o balita... kung may bagong bang tsismis. Hinampas ko siya. Di naman ako tsismosa... curious lang ako. Ngumuso ako pero bigla niya akong sinunggaban ng halik...



"Uhmmmpp..."Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at nahagip ko ang makapal niyang bumbunan. Uhmm, loko! Akala mo ha, maiisahan mo ako.



"Arayyyyy!!!! Alona naman..."



"Ikaw, kung wala kang magawa sa buhay mo, ilayo mo ang mukha mo dito." Akala yata niya humihingi ako ng kiss... inginuso ko lang naman ang dalawa. Hindi ko sinabing halikan niya ako."Bakit moa ko hinalikan????"



"Arayyyyy, Alona. Masakit na ang anit ko. Arayyyy!"



"Talagang papanitin ko ang anit mo...Siraulo ka!!!!" Biglang napatingin sa amin sina Sir Melvin at Ma'am Jazzy. Hawak ni PO1 Kilayco ang mga kamay ko. Napangiti silang pareho. Nadatnan kami ni M/Sgt. Gaspar.



"Sino na naman ba ang nag-iingay na yan? " Nagulat siya ng makita si Ma'am Jazzy at Sir Melvin na tahimik sa kanilang mga upuan. "Pssstttt! Kayong dalawa? Anong problema ninyo? Kayo na ba ang bagong aso't pusa dito?"



"Sir naman..." Pati sina Sir Melvin at Ma'am Jazzy ay napatingin.



"Nananahimik kami dito. Ano na naman ang kinalaman namin dyan?"



"SPO2 Alberto, sumaglit ka sa opisina ko..."



"Yes Sir..." Nagsisihan pa kaming dalawa. Pero hindi nakatakas sa akin ang sulyap ng dalawa. Kaya siguro payapa na sila...baka magkasundo na rin sila or much better kung love is in the air na nga ba.



Saglit lang at lumabas na si Ma'am Jazzy. "Sgt. Alegre, tawag kayo ni Sir sa loob."



"Kaming dalawa? " Nagtaka pa si PO1 Kilayco.



"OO, kayong dalawa...' Sabi ni Ma'am Jazzy.



"Bakit?"



"Anong malay ko? Ipinatatawag lang naman kayo sa akin. Punta na kasi, ang dami mo pang daldal eh."



Sinermunan lang naman ako. Huwag ko daw gayahin yung dating aso't pusa sa opisina or else... ililipat daw niya kami ng department. Bandang hapon nakita ko naman na unang umalis si Ma'am Jazzy tulad ng dati. Ilang minuto lang ay umalis na rin si Sir Melvin ng may matanggap siyang tawag. Nagmamadali na siya.



Pero gulat na gulat ako...hinila ako ni PO1 Kilayco at niyaya akong kumain sa McDo... anong nakain niya at ako pa ang niyaya? Wala naman akong nagawa kundi sumunod pero pag-upo namin, paglingon ko sa gawing kaliwa, tapat na tapat pa namin ang aso't pusa na sweet na sweet na kumakain. Kinawayan kaming dalawa...



OMGGGGG!!!!! Sila na nga siguro....Ah, sila na ngaaaa!!!!!



Maya-maya ay unang umalis ang dalawa. Nakatanggap ako ng mensahe... mula kay Sir Melvin... huwag daw akong maingay kundi lagot ako. Hayyyyy!!!!

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now