LAST WILL

132 1 0
                                    

At muli kong nakita ang pag-iyak ni Jazzy. Hindi lang para sa isang kaibigan kundi para sa kanyang asawa. OO, akala ko ay masusuyo ko pa siya. Ready na ang papeles ko for transfer. Bakit nataon pa na napayagan ang request ko kung kailang ikakasal sina Jazzy at Benj? Dahil ba sa alam din ng kuya ni Jazzy na ako ang dating nanligaw sa kanilang kapatid? At ngayon, okay na kasi wala na akong abol...



Matagal akong umiwas sa kanya. Pati kay Benj ay umiwas din ako dahil ayokong maging hadlang sa pagmamahalan nila. Minsan kong sinundan si Benj sa simbahan na tinutukoy niya. Huh, alam ko ay malapit dito ang isang paupahang bahay na nasangkot sa isang pananambang na muntik ng ikasawi ni Miss Ava...isa ding taga-Police Academy. Totoo naman ang sabi niya. Hindi siya nag-iilusyon...si Jazzy nga ang katagpo niya sa simbahan. Siya nga ang babaeng mahal ko.



Marahil ay nakilala niya si Jazzy dahil sa picture na nasa wallet ko. Ipinakita ko kasi iyon sa kanya.



"Anggaling mong pumili ng mapapangasawa..." Siya pa ang nagsabi noon sa akin. Eh ang lagay, sabihin ko rin sa kanya iyon. Parang nakakainsulto naman.



Nandoon ako sa burol ni Benj. Narinig ko ang boses ni Jazzy ng kantahin niya ang Amazing Grace. Iyon din ang kantang itinuro noon ni Benj sa kanya para sa kanyang lola. Favorite song daw iyon ng kanyang lola at iyon lamang ang pampatulog nito. Minsan nga ay kinantahan na ni Benj ang matanda at nagpaturo si Jazzy para siya naman ang kakanta sa kanyang lola. The irony is that...kinanta niya ito sa burol ng matanda...maging sa araw ng libing nito.At ngayon, kinanta niya ito para sa lalaking nagturo nito sa kanya.



Nandoon ako sa loob ng simbahan...nakilala ako ni Retired General Justice Lorenzo...nandoon ang kanilang buong angkan. Kumpleto silang nakiramay kay Benj. Malapit sa urn sina Tita Amalia at si Charlotte. Nandoon din ang bunsong kapatid ni Benj...si Benjo. Nakayakap si Charlotte sa tunay na ama. Iyak ng iyak ang kumag...sinisisi niya ang kanyang sarili. Wala akong magagawa, nakadistansya ako sa kanila.



Ayokong makita ni Jazzy...baka magwala siya. Baka sabihin na naman niya eh pinaglalaruan ko na naman siya. Gustong gusto ko siyang yakapin...gusto kong pahirin ang kanyang mga luha. Hindi bagay sa kanya ang umiiyak...



Hindi rin ako lumapit habang ipinapasok ang urn sa Colombarium... matiyaga akong naghintay na lumabas lahat ang mga tao.



"Bakit nandito ka lang?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig. Si Prof. Lorenzo ang tumapik sa balikat ko.



"Sir..."



"PInsan mo pala si Benj? Hmmm...bakit?"



"What do you mean, bakit?"



THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now