RAGE OF THE TIGER

91 2 0
                                    

MELVIN'S POV



Nalungkot ako dahil hindi pumasok si Jazzy kaya minabuti kong dalawin na siya sa mansion. Wala naman daw siyang sakit. Kaya lang pagdating ko doon ay di rin ako binaba ni Jazzy. Nagtagal ako doon at nagbakasakali na magbago ang kanyang isip pero hanggang sa magpaalam ako kay Benjie. Sina Ma'am Lemuela at Sir Justice ang katabi ng bata.



Gusto ko na silang kunin doon pero ang problema... si Jazzy.



Kinantyawan ako sa presinto at paniwalang -paniwala sila na baka nga may nangyari sa amin o kaya ay buntis na kaya ayaw ng pumasok.



"Mga hunghang talaga kayo. Ako na lang palagi."



"Susss, mag-aswa ka na kasi..."



"Ayaw ngaaa... kahit pilitin ko..."



"Kulang ka lang ng sweetness overload..."



"Ano pang kulang? Pakakasalan ko na nga. Kahit now na..."



"Ninong ako..." Sabi pa ni Sgt. Alfaro.



Bigla kaming natahimik. Here comes Jazzy. Muli ko siyang nasilayan sa wakas pero medyo di siya ngumingiti.



"Hello, Jazz...' Sinabayan ko siya sa paglalakad pero parang di niya ako nakikita o naririnig. Pero bigla siyang huminto...angtalim ng tingin niya.



"From now on, don't you go near me...Naiintindihan mo?" Saka niya ako itinulak. Medyo napahiya ako. Napayuko ang mga kasamahan naming at bigla silang nawala sa eksena. Balik sa kanya- kanyang puwesto.



"Jazz, ano ba? I am sorry..."



"Hindi ko kailanman matatanggap ang sorry mo lalong lalo na sa ginawa mo. " Sa linya pa lang, halata mong may nangyari.



"Jazz..."



"By the way, Sgt. Melvin Miranda...bear this in your mind...hindi tayo...hindi naging tayo." Hindi ko naitago ang nararamdaman ko. Tutal nandito na eh...



"Pananagutan ko naman ang lahat eh. Bigyan mo ako ng pagkakataon...Mahal na mahal kita."



"Pagkakataon? Pagkakataon ba ang hinihingi mo...Nabigyan ka ng pagkakataon pero anong ginawa mo???? Sinayang mo...Sinira mo ang pagkatao ko...Ano bang ginawa ko sa'yo? Ikaw ang nang-iwan sa akin di ba? Ikaw ang nang-iwan sa akin. Hindi mo ako binalikan tapos ipapaubaya mo ako sa iba ng ganoon na lang..." Sinampal niya ako at wala akong naramdamang sakit. Tama siguro ang sinabi niya. Iniwan ko siya at hinayaang mapunta sa kung kanino pero ng magkaroon ako ng pagkakataon, sinayang ko dahil...inuna ko ang pagnanasa kaysa patunayan sa kanya ang tunay at wagas kong pagmamahal kasama ang malinis na intension na mahalin siya ng lubusan.



"Jazzy..."



"Please lang...LAYUAN MO AKO SABI..." Hinila na ako ng mga kabaro ko. Ayaw na nila ng madaming eksena sa loob ng opisina.



Pero hindi ko napaghandaan ang sumunod na nangyari. Wala ang picture nina Benjie at Jazzy sa ibabaw ng mesa ko.



"Sir anong hinahanap ninyo?" Tanong ni Sheila.



"May lumapit ba dito sa mesa ko. Nawawala kasi yung picture dito."



"Sir Melvin...may kinuha sa table mo si Ma'am Jazzy. Tsaka, Sir..." Napalingon ako sa mesa niya. Malinis na iyon at wala na ang kanyang mga gamit.



"Melvin..." Sinenyasan ako ni M/Sgt. Gaspar. Nag-close door kami.



Doon ko nalaman na nag-abot ng letter of resignation si Jazzy ng umagang iyon. Habang wala ako ay sinamantala niya na mailigpit ang lahat ng kanyang mga gamit. "Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" Syiempre, hindi ko puwedeng sabihin dahil medyo maselan ang sitwasyon.



"Sir..."



"Actually, nagpaalam siya sa akin lately para kumuha ng passport para sa kanyang anak. Di ko alam kung balak niyang ..."



"Sir naman eh , bakit di ninyo sinabi kaagad?" Nagmadali akong umalis... Hindi ako puwedeng magpatumpik-tumpik...Kailangan kong makita ang aking mag-ina. Hindi nila ako puwedeng iwan ngayon. Handa akong magtiis.Handa kong tanggapin ang parusa mula kay jazzy basta't huwag lang nila akong iwan...



Hindi ko makakaya.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now