UNFAILING INSTINCT

89 2 0
                                    

LEMUELA'S POV



Nagulat ako sa sinabi ni Justice. May natanggap daw siyang mensahe mula kay Melvin. Nagpapaalam na ingatan ang kanyang mag-ina dahil aalis siya patungong Mindanao. Hindi daw siya nagpaalam kay Jazzy dahil nag-break na sila bago pa man umamin sa tunay na estado nila ni Melvin.



Inobserbahan lang namin si Jazzy. Actually, tahimik siya simula ng mag-date sila ni Saxo. Pag-alis nilang dalawa ay saka ako na-curious sa sinabi ni Justice.



"Bakit ba parang di ka mapakali dyan? Dalian mo na nga kasi dahil kanina pang naghihintay si Saxo." Halata ko naman kasi noon na ayaw niyang sumama sa hepe. Bata pa naman si Saxo pero syiempre ayaw naming mapabilang siya sa mga babae ng lalaking iyon. May gana pa siyang manligaw sa anak naming knowing he has a not so good reputation when it comes to relationship. Nagpa-anull na siya ng kasal, may mga anak sa ilang mga babae at paano namin ipagkakatiwala si Jazzy sa kanya.



"Baka magalit yung isa kapag nalamang nakipag-date siya." Parang may alam si Justice na di ko alam. Sila lang ang nagkakaintindihan. Am I missing something?



"Papa..." Sama ng tingin sa kanyang ama.



"Sinong magagalit?" Tanong ko. Curious lang ako. Sino nga bang magagalit?



"Tsss, Lemuela huwag ka ngang magmaang-maangan na parang wala kang nahahalata." Di ngaaa. Busy akong makipaghulaan. Busy akong mag-observe at silang mag-ama lang naman ang madalas magkakuwentuhan habang abala ako kay Benjie.



"Ah, ganun ba? OMGGG! Sila na ba? Para di ko man lang nahalata." Saka ko na lang na-realized na si Melvin ang kanilang pinag-uusapan. Kasi iba din ang obserbasyon namin sa kanilang dalawa.



"Mama naman eh. " Hahaha, omgggg!!! Namumula pa siya. So it means totoo nga...



"Naku eh dalian mo at baka mamaya dito pa sila magpang-abot. Mahihirapan tayong awatin ang dalawa mong manliligaw." Pinakapilit-pilit pa naming siyang magmadali sa pagbibihis dahil masyado niyang pinaghihintay ang hepe. Hindi na niya naisip na hepe iyon. Well, sabi niya eh pantay-pantay lang ang lahat pagdating sa pag-ibig.



"Bakit? Dapat ba akong mataranta dahil hepe siya. Eh bahala siya. Kung talagang gusto niya, maghihintay siya." Iyon ang sabi niya.



"Manliligaw? Baka nga boyfriend na niya iyon." Dahil iyon ang hindi malinaw sa aming mag-asawa.



At nag-break sila ng ganun lang. Anong dahilan? Mukhang matindi ang nangyari para humantong sa pakikipagkalas ni Jazzy. At heto namang isa, sasabak sa laban sa Mindanao ng hindi man lang nagpaalam at nakipag-ayos sa isa.



Pati kami ay nag-alala. Hindi na muna kami nakialam. Handa kaming makinig at magbigay ng payo kung kailangan.



"Lola, Lolo... good morning! " Sabi ni Jazzy habang pababa sila ni Benjie sa hagdan. Maganda ang gising ni Benjie at hindi ito nagwawala. "Magbi-breakfast na po kami..."



"Upo na kayong dalawa. Pakainin mo na ang anak mo. " Sabi ni Mama.



"May operation ba kayo ngayon? UUwi ka ba ng maaga?"



"Di ko po alam eh. Tatawag na lang po ako kapag di ako kaagad nakauwi ng maaga."



Matapos kumain ay masigla siyang umalis. Pero nag-aalala kami sa possible niyang madatnan. Hindi pa niya nababalitaan ang pag-alis ni Melvin. Sa tingin ko, naging mas matured ngayon si Jazzy. Hindi na siya ang dating Jazzy na masyadong childish. Sana ay maging matatag siya sa kanyang kakaharaping pagsubok hanggang sa matutunan niyang aminin ang totoo.



Kapag hindi niya sinunod ang sinasabi ng kanyang puso...mananatili siyang luhaan at bigo.

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon