JAZZY HATES MELVIN

448 8 0
                                    

MELVIN'S POV

Matapos ang malagim na pangyayari sa bestfriend ni Jazzy na si Danica, naging malulungkutin na siya sa klase. Hindi niya itinago ang kanyang tunay na nararamdaman. Umiiyak talaga siya sa klase. Sa totoo lang, hindi ko akalain na ang tulad niyang tigre ay iiyak dahil sa pagkawala ng isang kaibigan. Hmm, matalik na magkaibigan sila ni Danica. Sanggang – dikit sila at bukod doon, alam kong may lihim si Sir Lee, ang kanyang Kuya at si Danica.



I was more interested on Jazzy because she was my ideal girl from the beginning. Gusto ko siyang ligawan pero ng malaman ko na tatay niya ay isang heneral, medyo dumistansya na ako lalo pa't kuya pala niya si Prof. Lorenzo kaya nawalan ako ng lakas ng loob.



And Jazzy hates me so much. Hindi ko alam kumbakit kumukulo ang dugo niya sa akin. Matagal siyang lumiban sa klase dahil sa pagdadlaamhati. Noong araw na pumasok siya sa klase, gusto ko sana siyang pasayahin ngunit mukhang minasama niya iyon. Tinabihan ko siya... sa dating upuan ni Danica pero nagalit siya.



"Umalis ka nga dyan" Bawal umupo...



"Hindi na ba ito puwedeng upuan??"



"Hindi..."



"Alis dyan sabi eh." Itinulak niya ako.



"Walang magagawa ang kaiiyak mo." Iyon pa ang sabi ko. Minsan, hindi rin ako sensitive sa feelings ng mga babae. Pinaiiral ko pa rin ang pagiging lalaki ko, a tapang a tao...hindi a takbo...hindi a iyak.



"Pabayaan mo ako. Wala kang pakialam at hindi mo ako maiintindihan dahil hindi naman kayo close." Si Jazzy pa ba? Hindi ko siya kayang pabayaan ngayon. Gusto kong ipaalam na nandito lang ako at kaya ko rin siyang samahan sa kanyang kalungkutan. Hindi puwedeng hindi ko siya pakikialaman dahil bahagi ng puso ko ay nalulungkot din. Hindi sa hindi ko siya naiintindihan. Wala lang sa personality ko ang magluksa ng ganoon para sa isang kaibigan.



"Tama na kasi..." Namimilit pa ako.



"Hayaan mo ako hanggang sa maubos ang luha ko. Hanggang sa wala na akong mailuha. Hanggang sa matuyo ang tear glands ko. Bakit ka ba apektado?" Talagang apektado ako lalo na sa pinagdadaanan niya.



"Kasi mahal kita at ayokong nalulungkot ka. Ayokong palagi kang umiiyak." Sa kabila ng malakas na kantyaw sa loob ng klase at nagawa nila kaming pagkaisahan... hindi huminto si Jazzy ng pag-iyak.



Para kaming bata noon.


THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now