MISSING MELVIN

84 3 0
                                    

JAZZY'S POV



Masigla akong pumasok sa opisina. Parang walang nangyaring komprontasyon dahil kay Aleling desperada. Wala si Melvin. Hindi ko siya napansin. Walang nangulit sa akin. Walang nakabantay at di ko kailangang i-silent mode ang cp ko. Panay kasi ang tunog nito kapag pumapasok ang mensahe niya. Dumating ang tanghali pero wala siya.



Bandang alauna ng hapon ay nagkaroon kami ng short briefing sa operasyon na pupuntahan naming mamayang gabi. At hindi siya makakasama. Hindi man lang siya nagsabi kung aabsent siya. Hindi naging okay ang pakiramdam ko.



Tahimik si Alona. Alam ko kasi na type niya si Melvin. So warning sa kanya ang nasaksihan niya kahapon ng umaga. Di ko na rin pinalampas ang pagkakataon na bigyan siya ng babala. Kung magiging kontrabida siya, di malabong siya ang sumunod. I have my quiet moment til night bago kami umalis patungong operasyon.



"Mama, kayo po muna ang bahala kay Benjie. May operasyon kami. Bye." Muli akong napalingon sa bakanteng mesa ni Melvin. Na-miss ko tuloy siya. Nasaan ba siya?



Lahat ay humanda na pagdating ng bandang alasais ng gabi. Kasama nila ako sa loob ng van. Wala namang special treatment porke't babae ako. Ang pulis ay pulis. Naging matagumpay naman ang operasyon namin. Kinausap ako ni Sgt. Alfaro pagkatapos ng aming operasyon.



"Bakit di mo na lang aminin ang totoo, Sgt. Alberto?" Nasa harap kami ng van sa parking area. Para niya akong kinakastigo. Para siyang emisaryo ni Melvin.



"Ano naman po ang aaminin ko?"



"Na kahit palagi kayong nag-aaway ni Melvin eh mahal ninyo ang isa't isa."



"Huh, masyado naman po kayong malisyoso...Paano naman po ninyo nasabing ..."



"Nakita ko kayo ni Sgt. Miranda...Huwag kang magkaila. Nag-date naman talaga kayo di ba?" Ah, naalala ko na nanuod kami ng sine ni Melvin.



"Sarge..."



"Nanunod kasi kami ni Misis ng pelikula. Nagkataong walang masyadong nanuod sa last full show na iyon. Pero nakita kong unang pumasok si Melvin. Huli na kitang nakita. Alam kong ikaw ang hinihintay niya."



"Sarge..."



"Di mo kailangang maglihim. Buhay mo iyan. Buhay ninyo ni Melvin at wala kaming pakialam kung sino ang mahalin ninyo."

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon