BRO'S OPINION

86 1 0
                                    

LEE'S POV



Muli kong nakita ang ngiti sa mga labi ni Jazzy. Masaya sila ni Ava habang nag-uusap at sabay na naglalakad sa damuhan patungo sa bulwagan. Nauna na kami ni Melvin kasama ang mga bata. Akay ni Leeah si Leila at kasama ni Melvin si Levi habang nakikipagkulitan siya kay Benjie.



"Uy Melvin... anong estado ninyo ni Jazzy?"



"Naku Sir...malabo. Masyado pong matigas ang kapatid mo eh. Baka puwede mo naman ako bigyan ng konting tip para naman mapaamo ko ang Tiger Amazon na tulad niya."



"Ano ka ba? Gamitin mo ang pagiging tigasin natin... "



"Ikaw po ba? Paano po ninyo napaibig si Ma'am Ava? Mukhang close sila ni Jazzy ah. Naging kayo po ba ng bestfriend ni Jazzy... yung classmate namin na si Danica?" Tahimik pa niyang binanggit ang pangalang Danica.



"Ako pa ba? Paliligtasin ko ba iyon eh isa pang tigre yun...Ako pa. Syiempre, suko ang Bataan sa akin."Tinapik ko si Melvin at nagkatawanan na lang kami. Di naman niya alam na si Ava at Danica ay iisa.



"Idol ko na talaga kayo..." Pag-upo namin ay dumating na rin sina Kuya Ice... sumunod si Jude at Justine. Binati naman kami. Kinamayan ni Melvin si Jude at Justine.



"Huh Sgt. Miranda...nandito ka na naman?" Napatingin ako kay Justine. "Are you part of the family already?"



"Soon po..." Tapos sabay tawa. Hindi nakahalata na ang salu-salong ganito ay para lamang sa mga lehitimong miyembro ng aming pamilya. Outsider ang tingin sa kanya ni Justine.



"Jazzy, ano mo ba itong si Sgt. Miranda at bakit nandito na naman siya?"



"Ate..."Napayuko si Jazzy at hindi nakapagsalita.



"Justine..."



"Bakit? Di ba niya alam ang tradisyon dito? Ipakilala mo siya sa buong angkan kaysa magmukha siyang gate crasher dito."



Hindi pinahihitulutan ang sinuman na sumalo sa amin. Parang may exclusivity di ba? Pero isa lamang iyon sa tradisyon ng aming pamilya na gusto pa rin naming panatilihin. Ang sinuman ay malugod naming tinatanggap basta't kikilalanin siya ng taong kasama niya dito.



"Bakit ba parang angsama ng gising mo?"

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now