FIRST NIGHT TOGETHER

134 1 0
                                    

JAZZY'S POV



We spent the whole night together. Sumiksik kami sa sopa. Pinagkasya naming ang aming mga katawan doon. Himalang hindi umingit si Benjie. Natulog siya ng mahimbing buong magdamag habang panay ang kuwentuhan namin ni Melvin. Puro naman flashback ang ginawa namin. We are happy going back to the days when we are still young at ang madalas naming bangayan sa loob ng klase. Kami ang mga human armalite sa klase dahil walang tigil ang away namin.



Hindi naming namalayan ang oras... Alauna na pala ng madaling araw.



Di ko din namalayan na nakatulog pala ako na ganoon ang puwesto namin. Nakaangkla pa ang hita ko sa kanya, nakayakap ako at nakahilig sa kanyang dibdib. Nakayakap sa akin si Melvin at nakasubsob ang nguso niya sa noo ko. Hindi ko ma-imagine na kung kailan pa ako naging biyuda ay saka pa ako nagkaganito.



"Melvin...Melvin...di ka pa ba uuwi?"



"Dito na lang muna daw ako sabi ni Nanay..."



"Ha, as in dito, sa tabi ko..."



"Dito sa bahay kasi puro kayo babae,"



"Eh pulis kaya ako."



"Sabi mo lang 'yan...di mo masasabi ang panahon ngayon."Sabagay, totoo naman. Minsan ay nandiyan ang masasamang loob sa mga oras na di mo inaasahan.



"Di ka ba napapagod sa posisyon natin?"



"Bakit? Anong posisyon ba ang gusto mo?"



"Hay, ano ka ba? Masyado ka talagang green minded..."



"Tayo lang namang dalawa dito, Jazzy. Ito naman di mo pa ako pagbigyan...Mamayang 2pm ako lalabas, promise. Tabi pa tayo..." Eh bigla kaming nahulog...tulog pa rin si Melvin. Maya-maya ay iniwan ko na siya sa carpet. Kumuha ako ng extrang kumot at unan. Malamig kasi sa loob dahil nakabukas ang aircon...Si Benjie na ang tinabihan ko.



No string attached... but I don't think I can really act as if we are nothing. Sometimes I can fake it pero paano kong tinubuan ako ng selos at bigla kong nang-away. Di ba, ang weird? Parang di na bagay sa amin ang magkaroon ng lihim na relasyon. Wala naman akong nakikitang masama sa relasyon ng isang biyuda at isang binata. Matured na kaming pareho at wala naman kaming present commitment.



"Kung kailan ka handang tanggapin ako para ipaalam sa lahat na ako ang boyfriend mo ... then, it's no big deal as long as I know where I stand in your life...kung ano tayo ngayon...Ano? Tayo na ha!"

THE BLACK WIDOWOnde histórias criam vida. Descubra agora