MOMENT TO THINK ABOUT

89 2 0
                                    

ALONA'S POV



Naging palaisipan sa aming lahat ang biglaang pagpa-file ng leave ni Ma'am Jazzy sa aming departamento. Ni hindi mo din makausap nang matino si Sir Melvin o kung sino pa man sa kanila. Kahit sa aming mga kasamahang babae. Di rin naman kasi siya close sa amin. Sumasama pero hindi siya nagsi-share ng kahit ano.



"Sa tingin mo, may nangyari?" Tanong ni Sheila.



"Kahit mayroon, anong pakialam natin doon? Labas na tayo sa gusto nilang mangyari sa mga buhay nila."



"Ay bakit ang sarkastik ng sagot mo?"



"Huwag natin silang pag-usapan. Di maganda..." Nanahimik ang buong opisina namin. Nakakapanibago din naman pala kapag wala sila. Sanay na kasi kami sa inisan nila na para lang silang high school students.



Pumapasok pa rin naman si Sir Melvin kaya lang palagi siyang wala sa mood. Madalas siyang magpatugtog ng paborito niyang kanta ng The Company at ni Bituin Escalante. Nagagalit siya kapag pinakikialaman namin iyon. Pagkaminsan ay sinisigawan din niya kami.



Minsan eh pumasok siyang lasing. Nakadami siguro siya noon. Nakasubsob lang siya sa kanyang mesa at nilalapitan siya ng mga kabaro niya. Panay ang tapik sa balikat niya, niyayaya siyang kumain at sa bandang huli ay mag-iinuman daw sa Club Roman.



Isang araw ay di na siya pumasok dahil kasama siya sa mga ipinadala sa misyon sa Mindanao. Magkasama sila ni Sgt. Alfaro. Nag-send ako ng text message sa kanya na mag-ingat doon. Hindi na ako umaasa pa. it was all just a friendly gesture. Besides, Senior namin siya. I bid him good luck at huwag pababayaan ang sarili doon. Hindi ako nag-i-expect na magri-reply siya.



Matapos ang tatlong buwan, isang nakakalungkot na balita, namatay si Sgt. Alfaro. Hmm, ang buhay nga naman ng pulis... Lahat kami ay nalungkot. Pero hindi nagpaawat si Sir Melvin. Matapos ilibing si Sgt. Alfaro, sabak na naman siya sa giyera. Mukhang pupulbusin niya ang mga bandido para maipaghiganti ang kasamahan naming pulis.



Pinuntahan ko pa siya sa kanyang bahay. Nag-alala din kasi ako sa kanya.



"O bakit ka nandito?"



"Sir Melvin, babalik ka po ba?" Hindi naman siya umimik. "Sir dito ka na lang po." At bigla ko siyang niyakap sa likuran. Tinalikuran kasi niya ako. Mahal ko pa rin kasi siya.



"Alona....walang makapipigil sa akin. Tawag ito ng tungkulin."



"Pero hindi natin tungkulin ang maghiganti."



"Hindi mo rin tungkulin ang sabihan ako kung ano ang dapat kung gawin. " Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Makakaalis ka na..." Pinagbukas pa niya ako ng pinto. Umalis naman ako ng payapa. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko. I was just trying...trying...and trying. Pero everything seems not so effective for him.



Until may isa pang mas makulit sa akin ang patuloy na sumusuyo kay Sir Melvin. Walang iba kundi si Atty. Esguerra. Magandang babae ang abogada. Matalino at magaling sa kanyang propesyon kaya lang, pagdating sa pag-ibig... sa scale na 1-10... nasa 5 lang siya. Nagpunta rin si Atty. Esguerra at tinanong si Sir Melvin. Pero anong sasabihin namin... "Wala... Ma at Pa... "



"Abah..."



"Eh kasi Atty. Esguerra, maging sensitive din po kasi kayo. Di po namin pinakikialaman ang buhay ng mga kaopisina namin. "



"Then, shut your mouth!!!"



"Okay, shut up na ako." Bahala nga siyang magsalita ng walang kausap kung iyon lang din naman ang gusto niya. Eh mukhang baliw na talaga siya. Di na namin siya pinansin. Ilang saglit lang ay umalis na rin kaagad siya.



Nakikibalita na lang ako. Nakikinig sa usapan ng mga kapwa namin pulis. Nakiki-update sa balita sa TV at sa radio o kaya sa mga pahayagan. Hanggang sa dumating ng kinatatakutan naming lahat. May mga iuuwing casualty at ang iba ay malamig na bangkay na pulis at sundalo. Isa doon si Sir Melvin.



Kritikal ang lagay niya. Nang dumalaw kami sa kanya ay nasa ICU na siya. May mga kapulisan din doon. Nagtaka lang kami kasi mga kapatid daw iyon ni Ma'am Jazzy. Puro mga lalaki. Mga pulis din tulad niya. Si Ma'am Justine eh nandoon din. Hmm, lima silang magkakapatid at bunso pala si Ma'am Jazzy. Pero bakit? Anong ginagawa nila doon?



Hindi naming nakita sa burol ni Sgt. Alfaro si Ma'am Jazzy kahit alam naming close silang dalawa at lantaran niyang isnabing boto siya kay Ma'am Jazzy para kay Sir Melvin. May ship pa siyang nalalaman kaya siya tinatawanan ng mga kapulisan.



After a week, nakita na lang namin si Ma'am Jazzy sa burol ng iba pang mga kapulisan. Bumalik kasi si Sir Melvin sa Mindanao. Tapos heto, madaming namatay sa bakbakan doon.



"Ma'am, alam mo po ba ang nangyari kay Sir Melvin? " Hindi na nakatiis si PO1 Kilayco. "Nasa ICU po siya ngayon."



"What???"



"Kritikal po ang lagay ni Sarge." Wala siyang kaalam-alam sa nangyari kay Sir Melvin. Hindi siya makapaniwala ng nalaman niyang nasa ICU si Sir. And her tears would tell me... she loves Sir Melvin... a lot.



Niyakap siya ng kanyang Mama at Papa...hindi siya puwedeng maghysterical doon dahil madaming tao kaya lumabas sila kaagad.



Hindi kailanman marunong magkaila ang puso. Lalabas at lalabas din ang totoo.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now