SECOND THOUGHT

102 1 0
                                    

JAZZY'S POV



Paglabas ni Melvin, saka ko naisip ang sasabihin ng iba. Tiyak na huhusgahan siya. Huhusgahan din nila ako. Bakit ako? Madami naman diyan? Wala na bang babae? Bakit biyuda pa? Baka mas gusto niya ang may experience para hindi mahirap turuan sa kama...comments like that.



Nahihiya ako para sa kanya. Pero mas nahihiya talaga ako sa sarili ko. Kabababang luksa ko pa lang pero parang nakalimutan ko kaagad si Benj. Kung hindi lang kay Benjie, baka nga nakalimot kaagad ako. Minahal ko si Benj at hindi ko na maibabalik ang buhay niya. Buhay ako kaya hindi ko kailangang patayin ng unti-unti ang buhay ko. Hindi ko kailangang ilayo ang sarili ko sa iba lalo na kung wala akong tinatapakang tao.



Mahal ko si Melvin... iyon ang totoong matagal ko nang inililihim. Melvin was not really an ideal man so to speak pero dahil sa mga ginagawa niya, nakikita ko talaga ang malaking pagkakahawig niya sa ugali ni Papa. And that makes me like him more. He made me remember how Papa bullies me. As the youngest, ako palagi ang sentro ng atensyon sa pamilya in a different sense lalo na kapag nagsama-sama sina Papa, Kuya Ice at Kuya Jude. Si Kuya Lee lang at Mama ang kakampi ko. Tutuksuhin nila ako hanggang sa umiyak ako. Yayakapin naman ako ni Kuya at si Mama, sasawayin ang tatlo. Si Ate Justine naman eh aawayin ang mga nakatatanda kong kuya. Pero pagtatawanan lang nila kami.



Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at pumayag ako sa mga kondisyon ni Melvin. Okay nga lang siguro kahit ilihim muna namin. Alam kong maraming di makakaintindi sa sitwasyon . Tama siya, hindi naman alam ng lahat ang history naming dalawa. Walang nakakaalam sa puno't dulo ng lahat ng ito.



Inisip ko na baka naaawa lang sa akin si Melvin dahil sa naging kondisyon ko noon. Hindi pa naman kami nagkaroon ng masinsinang usapan tungkol doon. Ni hindi pa ako nagpapasalamat sa madaming kabutihang ginawa niya para sa aming mag-ina. Madami pa akong atraso sa kanya na hindi ko man lang naihingi na despensa kasi... matigas ang ulo ko, brat ako at higit sa lahat, gusto ko pa siyang pahirapan.



Ganito talaga ang ugali ko pagdating kay Melvin. Gustuhin ko mang maging mabait, nagiging bully ako pagdating sa kanya pero konting salita lang niya sa akin, napipikon na kaagad ako. Kemerot, kunwari bully pero tuwang tuwa akong nakikita siyang parang takot sa akin. Nakakatakot din naman kung sakaling buweltahan niya ako at makakuha ng pagkakataon na gantihan ako sa mga ginagawa ko sa kanya. Actually, I felt I was being punished when he kissed me. Putik! Nakakatunaw ng tapang-tapangan ever ang halik niya na may kasamang pisil sa aking beywang. Di ko naman ipapahalata sa kanya na unti-unting sumusuko ang amasong nakaharap niyang tuwing pinanggigigilan niya akong halikan.



Kay Ava na lang ako nagkuwento kasi alam kong safe ang sikreto ko sa kanya.



"Ava...have I told you about Melvin?"



"What about Melvin? Parang wala kang nababanggit, as far as I could remember?" Ah, wala nga siguro dahil akala ko ay patay na siya. Kahit noong first year namin sa kolehiyo, hindi naman kami masyadong nakikisalamuha sa mga kaklase namin. Di nga kami aware na si Melvin ang aming class president. Tahimik lang kasi siya. Matitino naman ang mga kabarkada niya, may pagkapilyo din dahil minsan na nila kaming pinagkaisahan...that was only during the grad ball. "Ava, first kiss ko si Melvin...this is a love-hate relationship. Inis-inisan kunwari pero deep inside... alam mo na."



"That's what I suspect, Jazzy. How about Hugo?"



"Ah, Hugo...para kaming Romeo and Juliet...honor thy mother and deny thy father...hahamakin ang lahat. Pero , I gave him up... Mahal ko si Mama. "



"Hmm, pero muntik ng may mangyari sa inyo..." Tumango ako. I don't deny it. Muntik na talaga. But with Benj, I allowed everything to happened kaya kami nagpakasal kaagad. With the tragedy, I think that's the purpose why it happened. Para di ako manatiling nag-iisa.



Muli kaming nagkita ni Melvin. At doon ko naisip ang magsisi...kung hindi ako nagpadalus-dalos na unahin ang honeymoon bago ang kasal, marahil ay hindi ako makakaramdam ng ganitong insecurity sa mga babae . Sila lang ba ang may karapatang lumigaya? Sila lang ba ang may karapatang ma-in-love?



I love Melvin...puwede ko pa ba siyang mahalin sa kabila ng aking sitwasyon? Magtitiwala pa ba ako sa kanya o pangangatawanan ko ang pagiging biyuda ni Benj? Madami akong kinatatakutan... madami akong isinasaalang-alang... hindi lang ang ibang tao kundi ang pamilya ko... sina Mama at Papa, sina Nanay Amalia at Charlotte. Lalong lalo na si Benjie. Dahil kapag minahal ko si Melvin...forever na iyon.



Kung mamahalin ko si Melvin, kailangan kong maging handa sa mga taong nakapaligid sa amin. May mga taong di makakaunawa... huhusgahan nila ako at si Melvin. Maaaring may magtaas ng kilay dahil kahit biyuda ako ay may nagkakagusto pa rin sa akin. Kailan lang ako nagbabang luksa pero heto ako, nakipag-relasyon na kaagad. Iyon ang ikinatatakot ko. Tiyak na may masasabi sila.



"Bakit mo sila pakikinggan kung alam mong wala ka namang tinatapakang ibang tao?" Tama , pero ano ba ang pinakikinggan ng mga tao ngayon... puro FAKE NEWS... puro FAKE LOVE...kung ano ang tsismis, iyon pa ang trending...kung ano ang totoo, iyon ang pinagdududahan.



Magiging komplikado ang sitwasyon kapag may nangialam sa amin. Kung mamahalin ko si Melvin, kailangan kong maging matapang para ipaglaban ang pag-ibig namin laban sa mga taong tutol sa relasyon namin. Hindi na ako mag-iisa, iyon ang palaging sabi ni Melvin sa akin. Mahalin ko lang daw siya...pero kailangan kong magtiwala sa kanya...kung tutuusin ay wala ng dapat pang patunayan si Melvin. He has already proven himself for a selfless love. Akon a lang ang kailangang umamin.



Siguro, kailangan ko ding doblehin ang aking pagdarasal dahil natatakot talaga akong sumugal ngayon sa kanya. Kung tataya ako... ipapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Wala akong magagawa kong balak lang pala akong lokohin ni Melvin at paghigantihan sa mga pagpapahirap na ginagawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano talaga ang motibo niya para umasa ako ng ganito.



Basta, alam ko...dati ko ng mahal si Melvin. At hindi ako lubusang magtitiwala sa kanya ngayon. Pero susubukan ko dahil mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin.



Kung alam ko na ngayon kung sino ang mahal ko, palalampasin ko pa ba?

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now