THE BACHELOR MEETS THE WIDOW

114 2 0
                                    

MELVIN'S POV



Nagpalipas ako ng oras kina Nanay Amalia. Hindi ko balak matulog doon pero napaisip din ako sa sinabi niya kanina. Tama nga naman, puro sila babae dito. Kailangan pa rin nila ng kahit isang lalaki na magtatanggol sa kanila. Nagpatulong si Nanay na itulak at idikit sa pader ang kama ni Benj para daw hindi mahulog si Benjie. Sa gawing pader si Benjie at si Jazzy ang harang sa kaliwa ng kama.



Sabay kaming umalis ni Nanay sa loob. Aalis na sana ako dahil alas onse na. Maaga pa naman akong makakauwi sa bahay dahil wala ng traffic. Hindi na rin ako kakain kasi napadami ang kain ko kanina. Pero napatingin ako sa pinto ng kuwarto nina Jazzy. Hindi ko alam kung kakatok pa ako. Baka kasi makaistorbo ako.



Hawak ko na ang knob ng pinto. Dahan-dahan kong pinihit iyon upang buksan. Maliwanag sa loob at himbing ang tulog ni Benjie pero hindi niya katabi si Jazzy. Mmm, nasaan kaya siya? Lumapit muna ako sa bata at nilagyan ng unan bilang harang sa kanya. Kahit malayo eh nilagyan ko na rin.



Pagpunta ko malapit sa study table ni Benj ay nakita ko si Jazzy na tulug na tulog na. Hawak ang isang libro. Mukhang nakatulugan niya ang pagbabasa. Niyugyog ko siya.



"Jazzy, Jazzy... Jazzy, gising... "Umungol siya. "Bakit dito ka natutulog?" Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. Muli siyang naghikab...tinitigan niya ako.



"Mmm, ay oo nga... di ko namalayan...pasensiya na..." Tumayo siya pero natapakan niya ang kanyang pantulog na sayad sa carpeted floor. Mabuti at nahawakan ko siya. Nagkatitigan kami.



"Jazzy..." Pero nawalan siya ng panimbang at ako ang napahiga sa sopa. Mahigpit ang hawak ko sa kanya. Nakapatong siya sa akin. Tatayo sana siya pero napadausdos ako sa carpeted floor.



"Aaayyyyy!" Mahigpit ang kapit niya sa damit ko. Pagbagsak namin sa sahig ay napahiga si Jazzy sa bisig ko. Hindi ko inaasahan ang pagkakataong ito. Lumislis ang damit niya at halata ang umbok ng dalawang bundok sa kanyang dibdib.



"Hindi ko akalaing magkikita pa tayo, after all these years Jazzy. "Kasalukuyang hawak niya ang kuwelyo ng aking polo. Amuy na amoy ko ang gamit niyang pabango.



"Melvin..."



"I love you , Jazzy kahit noon pa man...lalo na ngayon at hanggang sa tumanda ako." Tatayo na sana si Jazzy pero hindi ko pinayagan. Niyakap ko siya ng mahigpit.



At tuluyan ko siyang sinisid ng halik. Kanina pa akong sabik na sabik na tikman muli ang labi niya. Lalo akong nag-init ng tumugon si Jazzy at agresibong humalik sa akin. Iniharang niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at hawak ang aking kuwelyo kaya kinuha ko ang kamay upang bumitiw doon.

THE BLACK WIDOWΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα