SECRETLY DATING

106 2 0
                                    

JAZZY'S POV



Tinanong ako nina Mama at Papa kung saan ako nagpunta at bigla akong nawala. Nagpaalam naman ako pero nagmadali akong umalis para di ako makita ni Benjie. I have a date. Lakasan na lang ng loob. Basta ang usapan, walang makakakita sa amin.



"Eh ano naman kung makita tayo?"



"Ah ganoon. I'll break up with you kapag nalaman ng iba." Iyon ang sinabi ko. Kaya sa loob na kami nagkita. Tinabihan na lang niya ako. Sumulpot na lang siya from somewhere. Tapos hinila niya ako sa taas, sa gawing sulok at madilim na bahagi ng sinehan. Hindi ko halos naintindihan ang palabas dahil iba ang aming ginawa. I obviously didn't like the idea of going to his house, lalo na sa apartment niya dahil kung ganito ang ginawa namin sa loob ng sinehan eh baka kung ano ang gawin naming doon. Iyon ang aking iniiwasan.



Una akong lumabas ng sinehan at di na ako nagpahatid. HImala na hindi man lang siya nag-message pagkauwi ko. Syiempre, I am expecting his private message. Hindi rin siya nagtext ng Sabado at Linggo. Hindi siya nagsimba.



"Hmm, himala. Wala ang yayo mo, Benjie Boy. " Di na ako nagsalita.



"Nag-away ba kayo, Jazzy?" Ako pa talaga ang tinanong. Anong malay ko? Umiling na lang ako. At nag-umpisa ng magwala si Benjie. Gusto niyang bumaba at maglakad at nagturo pa ng lobo. Nasanay na siya kay Melvin.



Ipinasok ko kaagad siya sa kotse at pilit na kinalma. Saka ko siya binulungan ng huwag magpasaway dahil isusumbong ko siya kay Melvin. Lagot siya. Mm, himala. Effective ang pananakot. Tumahimik naman siya. Pareho kaming nanahimik sa backseat.



Tahimik ang buong weekend naming pero na-miss ko si Melvin lalo na ang panay niyang pangungulit sa akin sa cp. Madalas kasi siyang tumawag at magpadala ng simpleng mensahe at mga love quotes.



"Bakit ba palagi kang nakaabang sa cellphone mo? Itext mo na lang at papuntahin mo dito." Sabi ni Papa. "Para man lang may kasama akong uminom."



"Papa naman. "



"Jazzy naman. " Ginaya pa ako ni Papa. "Kung mahal mo naman siya eh huwag ka nang magkaila. Lalabas at lalabas din yan. Ipakita mo na bago pa mahuli ang lahat."



Boring ang linggong iyon sa akin kahit nalibang ako sa pag-aalaga kay Benjie. Dalawang buwan na lang at isang taon na siya. Tinanong na rin ako ni Ava kung anong plano ko pero di ako makapag-isip kasi nga, ahhh, bakit ako napapraning ng ganito? Kung ayaw niya akong i-text e di huwag.

THE BLACK WIDOWحيث تعيش القصص. اكتشف الآن