COUNTING OUR DAYS

96 0 0
                                    

MELVIN'S POV



Maaga pa rin akong nakapasok kinalunesan. Hindi puwedeng umabsent proke't lasing. Hindi iyon dahilan para di ko Makita si Jazzy. Nakikini-kinita ko na naman ang sitwasyon naming dalawa. Di nga ako nagkamali.



Buong maghapong naging tahimik ang buong opisina. Di ko lang naman napigilan ang sarili ko. Masaya lang ako kasi kami na. Pero walang dapat makaalam sa opisina. Hmm, di pa naman kasi official na kami but regardless of that, I can't help but wanted to show the world how I love her.



I want the world to know na mahal ko siya at handa akong samahan siya kahit saan kahit kailan. Kahit hanggang sa tumanda kaming pareho.



Hindi ko siya nahagilap buong maghapon. Nahalughog ko na ang lahat ng canteen sa buong presinto pero wala ni anino ni Jazzy. Hindi ko na din siya inabutan ng bandang hapon.



Di naman ako nalungkot. Tinawagan ko na lang siya at tinanggap naman niya ang tawag.



"Bakit umuwi ka kaagad? Di ka man lang nagpakita sa akin? I miss you." Hahaha, di raw siya maniwala. Eh kailan nga ba siya maniniwala sa mga sasabihin ko. "Jazz, kumusta si Benjie?"



"Okay lang siya...heto, tulog na rin sa wakas." Napangiti akong bigla. Am I hearing the same song? Kanta ni Bituin ang naririnig ko sa kabilang linya. Kasalukuyan akong pumapasok sa aking kuwarto para sana humiga na rin. Humarap ako sa malaking tarp na nasa ulunan ng aking kama. I am facing the picture I had a long long time ago. A petite girl with her long red hair. Napangiti ako.



Niyaya ko siyang manuod ng sine. May bagong palabas kasi ngayon. Favorite ko pa naman si Da Rock, Dwayne Johnson.



"Basta pasok ka na lang, ke ikaw o ako ang mauna. I'll come and sit beside you. Sige na. Maghihintay ako sa iyo. I'll wait until you come." Nagdadalawang isip siya. Hindi siya makapagsalita sa kabilang linya. Sabi ko, gumawa na lang siya ng paraan.



Natuloy ang panunood namin ni Jazzy. Umuwi muna kaming pareho at tulad ng pinag-usapan, iyon ang aming ginawa. Maaga akong dumating kaya iniwan ko na ang ticke ni Jazzy sa cinema staff. Sinabi ko kung anong pangalan ang pagbibigyan niya noon.



Actually, kinakabahan ako. Nag-behave naman ako kanina para di magbago ang isip niya. Di ako nangulit. Di ako nagpatugtog ng paborito kong kanta. Binigyan ko siya ng kapayapaan ng umagang iyon. Naninibago siguro ang mga kasamahan namin. Pati ang mga kasamahan naming pulis sa follow up operation ay napapatingin na lang sa aming dalawa. Naghihintay yata ng aksyon hahaha.



Inihatid ng staff si Jazzy sa loob. Mula sa kasuluk-sulukang bahagi ng sinehan ay naghintay ako sa kanya. Dahan-dahan na siyang umakyat sa balcony... saka ako tumayo ng makaupo na siya. Madilim pa sa loob. Di pa nagsisimula.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now