OPERATION TOGETHER

107 1 0
                                    

MELVIN'S POV



Hindi na ako pinansin ni Jazzy. Sumabay siya sa mga baguhang pulis para kumain ng lunch. Nakiupo ako sa tabi nila dahil may bakante pa pero hindi niya ako pinansin. Tumayo siya kaagad pero hinawakan ko siya sa kanyang kamay.



Hindi pa kasi siya tapos. Madami pa siyang pagkain. Nagkatinginan ang mga kapwa naming pulis. Wala na kasing mauupuan kaya ako doon umupo. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Baso ang nahawakan niya at isinaboy niya sa mukha ko. Galit nga talaga siya!



"Don't you dare touch me, Sergeant. Pasalamat ka at iyan ang una kong nahawakan. Tubig lang ang sumaboy sa mukha mo. Isang beses pa aKong mainsulto sa kagagawan mo, humanda ka sa akin."



"Jazzy, I am sorry. Di ko sinasadya. We are nothing."



"Nothing mong mukha mo. Tigilan mo ako. Sabihan mo ang babae mo na we are nothing din. Kasi hindi rin tayo.Kahit sino pa ang babaeng dalhin mo dito, wala akong pakialam basta labas ako sa inyong dalawa at wala akong kinalaman sa inyo."



"Hindi ko naman sinasadya..."



"Bakit kasi nagpalipat ka pa dito? Tahimik na ang buhay ko kaya lubayan mo ako. Bumalik ka kung saang lupalop ka galing para manahimik ang buhay ko."



Natigilan ang lahat ng mga kumakain. Wala naman nakakaalam na magkakaklase kami at manliligaw niya ako. Nanatili ako sa aking upuan. Yumuko ako at kumain. Inabutan ako ng mga baguhang pulis ng tisyu para punasan ang basa kong mukha. Delikado...hindi maganda ito. Hay, nakakaasar naman eh. Okay na sana...may kontrabida pa rin.



Bandang alas sais ng gabi , nagkaroon kami ng last briefing mula sa aming commanding officer. Nandoon din ang aming Team Leader. Mahigpit ang bilin niya sa amin na maging focus sa aming operasyon. Maging eksakto sa aming mga kilos at making palagi sa commanding officer bago gumawa ng kilos. Magkatabi kami ni Jazzy.



"Jazz, huwag ka na lang kayang sumama." Concern pa ako.



"Ano bang problema mo? Ano ba kita? Stop acting like the General, a brother or much worst a boyfriend to me. "



"Nag-aalala lang ako sa iyo. Puwede namang hindi na sumama ngayon. "



"Trabaho lang...walang personalan." Natigilan ako.



Bago kami lumabas ng conference room ay nagdasal kaming lahat na maging safe ang aming lakad. Wala sanang masasaktan sa pwersa namin bagkus ay mahuli namin ang mga kabataan at matulungan silang magbagong buhay. Malayo ang biyahe at magkatabi pa rin kami ni Jazzy. Hindi kami nag-iimikan.

THE BLACK WIDOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon