SECRET BEGINNING

97 1 0
                                    

MELVIN'S POV



Medyo malalim na rin ang gabi ng tuluyan akong makaalis sa mansion. Ngayon lang ako nalasing ng ganito. Umuwi na ang mga lalaking kapatid ni Jazzy...sina C/Supt. Justice Ice Lorenzo... P/C Supt. Jude Lorenzo kasama si Prof. Lee. Hindi rin maganda ang bati sa akin ng nakatatandang kapatid na babae ni Jazzy. Hay naku, magkapatid nga sila. Tanghali pa lang, naghahamon na siya ng away. Amoy-away talaga ang gusto niya sa tono ng kanyang pananalita. Sukat ba naman akong awayin matapos niyang malasing?



Mabuti na lang at hindi puwedeng uminom si Jazzy. Siya ang umawat sa amin. Hindi naman niya ako hinayaan. Siya ang naging kakampi ko ng mga oras na iyon.



"Melvin...huwag mong patulan ang ate ko. Pasensiya ka na sa kanya. " Hinila na niya ako. Susugurin talaga ako ng ate niya. Bawal yata ang gate crasher sa kanilang Sunday Salu-salo. Sabagay, sampid lang naman talaga ako doon.



"Uuwi na ako..." Sabi ko kanina pagkahatid ko sa kanila pero pinigilan lang ako ni Prof. Lorenzo. Nakakahiyang tumanggi. Nakadistansya naman ako kay Jazzy kahit iyon na lang sana ang pagkakataon na hindi kami kakantyawan ng mga kaopisina namin. Dito lang kasi siya kalmado. Mahinahong magsalita at mas matinong kausap. Nakakangiti at hindi masyadong seryoso.



"Yes, Love... Sabi mo eh." Pasimple kong bulong sa kanya kahit kanina ko pang siyang gustong yakapin. Ah, bakit ba ganito? Suko na kaagad ako. Gusto ko nang matulog. Gusto ko na siyang yayain. Gusto ko siyang makatabi ngayong gabi.



"Jazz, isama mo nga muna sa loob si Sarge para makapagpahinga hanggang sa bumaba ang alcohol sa katawan niya. Painumin mo ng kape para makauwi na." Kaharap ko na si Ma'am Lemuela. Napakamot na lang ako sa ulo. Atleast maayos ang trato sa akin ng kanyang mama.



"Okay lang po ako , Ma'am Lemuela. Huwag po kayong mag-alala kasi kaya ko pa naman po." Pero kunwari lang...inakbayan ko si Jazzy at feeling lasing lang. No tongue twister...huwag masyadong OA dahil baka lalong magalit si Jazzy.



"O, kaya mo ba?" Weeeiiii, best actor ito. Palihim akong napangiti pagtalikod naming pareho. "Anggaling mong sumimple , Sarge. "



"Lahat ay gagawin ko para sa iyo, Jazzy." Pinayagan naman niya akong umakbay sa kanya habang akay niya ako patungo sa loob ng kabahayan. "Jazzy.... Jazzy..."



"Hmm, bakit? " Nakaangil na naman siya. "Umayos ka , Melvin. Kanina ka pa. Baka mamaya kung ano ang sabihin ni Mama sa akin. Tigilan mo ang kala-love sa akin ha! Baka kung ano na 'yan. Dadamputin ka sa talahiban.." Hahaha, may talahiban pa nga sila sa likod – bahay. Abah, mukhang ipapa-salvage niya ako.



"Ikaw lang naman ang nakakarinig. Bakit angsungit ng Ate Justine mo sa akin? "

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now