GENERAL ORDER

110 2 0
                                    

JUSTICE' POV



Hindi ko maintindihan kung saan nagpunta si Jazzy. Walang nakapansin na wala siya. Kung di pa tumawag si Melvin ay hindi namin malalaman na nawawala siya. Tinawagan namin siya pero naka-turn off ang kanyang linya. Balak talaga niyang umalis ng di nagpapaalam...



"Justice, hanapin natin si Jazzy..." Alalang -alala na naman si Lemuela.



"Lemuela..." Hawak niya si Benjie habang nasa pool kaming tatlo. Humihigop pa ako ng kape habang pinapakain ang apo namin. Tahimik na nakaupo ang bata.



"Mommy...." Hinahanap na niya ang kanyang mommy, na kasalukuyan din naming hinahanap.



"Hay naku Benjie. Hindi namin maintidihan ang mommy mo. Nawawala na naman sa sarili. "



"Melvin, dumaan ka nga dito mamaya pagkatapos ng trabaho...." Tinawagan ko na si Melvin. Gusto kong ipakisuyo sa kanya ang pagsundo kay Jazzy. Tinawagan ako ni Manager Ching... nasa Blue Lagoon daw si Jazzy. Umorder pa ng long necked liquor ang anak ko. Hay, dumayo pa nang pagpapakalasing doon. Nagkulong lang naman daw sa kuwarto. Eh sana, ako na lang ang niyayaya niya kasama si Lemuela o ang mga kuya niya. Tsss, dumayo pa talaga doon.



Kinagabihan ay kita namin sa mukha ni Melvin ang pagod galing sa trabaho. Umiiyak si Benjie dahil wala si Jazzy. Inalo muna niya ang bata at himalang tumigil ito kaagad. Magkakasabay na kaming naghapunan at hindi na rin namin siya pinauwi...



"Nasa Blue Lagoon si Jazzy... sa isang beach resort sa San Juan Batangas. Tatlong oras lang ang biyahe...Puntahan mo siya doon at pauwiin mo na dito."



"Sige po..."



Sa kuwarto ni Jazzy matutulog ang mag-ama.Nag-usap muna kami ni Melvin. Si Lemuela muna ang tumingin dito habang nasa sala kami.



"Pasensiya ka na sa anak namin, Melvin."



"Wala po iyon, Papa."



"Iuwi mo dito si Jazzy. Settle all your issues ."



"OPo... gagawin po namin."



Nalaman ko na rin na nagpapagawa na nang wedding gown si Melvin para kay Jazzy. Si Xity daw ang gagawa ng gown nito. Simpleng kasalan sa St. Gabriel , the Archangel Parish ang magaganap sa darating na huling linggo ng buwang ito. Ganoon kabilis ang plano...

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now